PBA PH CUP CHAMP, RUNNER-UP SA EASL

PLANO ng PBA na ang tatanghaling kampeon at runner-up sa 2022 Philippine Cup ang ilalaban sa East Asia Super League na gaganapin sa Oktubre.

Makakasama ng PBA All-Filipino champ sa Group A ng EASL ang PLeague+ champ Taipei Fubon Braves, Korean Basketball League (KBL) runner-up Anyang KGC at Japan B. League counterpart Ryukyu Golden Kings, base sa resulta ng drawing of lots noong Martes.

Kabilang naman sa Group B ang KBL champion Seoul SK Knights, Japan B. League title holder Utsonomiya Brex, Bay Area Dragons na irerepresenta ang Greater China, at ang runner-up sa Philippine Cup.

Dinaluhan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang EASL drawing of lots kasama sina KBL commissioner Kim Hee Ok, B. League chairman Shinji Shimada at Francesco Berre, strength and conditioning coach ng Dragons.
Dumalo rin sa okasyon si former NBA player Metta World Peace na isa sa EASL ambassadors, at league co-founder Matt Beyer na namuno sa drawing of lots.

“Come Oct. 12 the dream is over, everything becomes a ­reality,” sabi ni Beyer.

“Mabigat ang laban sa EASL kasi two imports ‘yung laban,” ayon naman kay Marcial. “Champion at runner-up ng All-Filipno Cup ang ipapadala natin and may dalawa rin tayong imports.”

Batay sa league rule, ang dalawang grupo na may tig-apat na koponan ay maglalaro ng tig-6 home-and-away games.

Ang dalawang mangungunang koponan kada grupo ang uusad sa semis, at ang matitirang dalawa ang siyang magsasagupa sa kampeonato na may nakatayang $1 million prize money.

83

Related posts

Leave a Comment