PH FENCERS SILVER SA MALAYSIA

NAGKASYA sa pilak ang Team Pilipinas sa Southeast Asian Fencing Federation sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinangunahan ng individual gold medalist na si Noelito Jose ang men’s team kasama sina Miggy Bautista, Lee Ergina at Rex Dela Cruz, Jr., para sa ikalawang puwesto matapos talunin ang Indonesia, 45-32. Ngunit kinapos sila sa ginto matapos yumuko sa Vietnam sa dikitang 42-45 sa final round.

Sa women’s foil team event, nagbulsa ng bronze ang mga Pinay na kinabibilangan nina Hannah Dominique Belarmino, Miyaki Capina, Mariel Flores at Janna Allysah Catantan matapos daigin ng Thailand sa semis, 21-45.

Nakakuha ang Pilipinas ng dalawang ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya sa torneo.

Maliban kay Jose (men’s epee), panalo rin ng ginto si Wilhelmina Lozada (women’s foil), habang ang isa pang tanso ay mula kay Alexa Larrazabal (women’s epee). (ANN ENCARNACION)

27

Related posts

Leave a Comment