DALAWANG linggong magte-training ang Philippine men’s boxing team sa Thailand para sa Olympic boxing qualifiers sa Amman, Jordan, sa susunod na buwan.
Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson na anim na iba pang national teams na sasabak sa Jordan slugfest ang magsasagawa rin ng training camp sa lungsod sa labas ng Bangkok.
Ang naturang Olympic qualifiers ay orihinal na naka-iskedyul gawin sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China.
Ngunit dahil sa coronaviruss outbreak ay napilitan ang International Olympic Committee na ilipat ito sa Amman, sa Marso 3-11.
Babalik ang national men’s boxing team sa Manila sa Peb. 26 bago tumuilak sa Middle East sa Peb. 28.
Ang Jordan tournament ay isa sa dalawang qualifying events para sa mga naghahangad makaabante sa 2020 Tokyo Olympic.
Ang mga hindi makalulusot sa continental qualifiers ay may huli pang tsansa sa World Qualification Tournament sa Paris sa Mayo 13-24.
130