PHOENIX SUNS FOR SALE

KASUNOD nang pagkakasuspinde sa kanya ng NBA, ­inihayag ni Robert Sarver ­sinimulan na ang proseso para maibenta ang kanyang dalawang pag-aaring koponan, Phoenix Suns at Phoenix Mercury.

Si Sarver ay sinuspinde ng NBA bunga nang ‘misconduct’ kasama ang ‘racist speech’ at ‘hostile behavior’ sa kanyang mga empleyado.

Hindi naging katanggap-tanggap sa marami ang one-year suspensyong ipinataw kay Sarver.

Maging sina NBA stars ­LeBron James at Chris Paul ay nagpahayag na hindi sapat ang nasabing parusa, na dapat anila’y ‘lifetime ban.’

Ang Suns sponsor PayPal ay nagpahayag ding hindi ire-renew ang team sponsorship kung mananatiling may-ari ng team si Sarver.

Marahil, dala ng pressure, ang pagbebenta sa dalawang koponan ang nakitang ­pinakamadaling solusyon ni Sarver sa kinahaharap niyang problema.

Aniya: “Selling is the best course of action.”

Sa kanyang official statement, nakasaad ang ganito:

“But in our current ­unforgiving climate, it has become painfully clear that is no longer possible – that whatever good I have done, or could still do, is outweighed by things I have said in the past.

For those reasons, I am beginning the process of seeking buyers for the Suns and Mercury.”

Binili ni Sarver ang teams noong July 2004. Bagama’t may mga kasosyo, siya ang tumatayong ‘primary owner.’

“Words that I deeply regret now overshadow nearly two ­decades of building organizations that brought people together,” dagdag pa niya.

Suportado naman ni NBA Commissioner Adam Silver ang desisyon ni Sarver.

“I fully support the decision by Robert Sarver to sell the Phoenix Suns and Mercury. This is the right next step for the organization and community,” saad ni Silver.

Bukod sa one-year suspension, pinagmulta rin si Sarver ng $10 million.

“I do not want to be a distraction to these two teams and the fine people who work so hard to bring the joy and excitement of basketball to fans around the world,” lahad ni Sarver. “I want what’s best for these two organizations, the players, the ­employees, the fans, the community, my fellow owners, the NBA and the WNBA.”

KA-2 OPERASYON
NI LONZO BALL

MULING sasailalim si Chicago Bulls guard Lonzo Ball sa surgery sa kaliwang tuhod sa susunod na linggo. Ikalawang operasyon niya ito sa loob ng isang taon at inaasahang hindi makalalaro sa simula ng season.

Ayon sa Bulls, sasailalim si Ball sa arthroscopic debridement at ire-re-evaluate ng apat o anim na linggo.

Malaki ang naging papel ni Ball sa Chicago noong nakaraang taon matapos mapunta sa team buhat sa New Orleans sa sign-and-trade.

Ngunit nalimitahan siya sa 35 games at hindi na nakalaro matapos ang Enero 14.

Kasunod nito, inoperahan siya sa torn meniscus, kung saan nakaramdam siya ng ‘disconfort’ nang magtangkang kumilos.

10 araw siyang ipinahinga ng Bulls sa pag-aakalang makatutulong iyon at makababalik na siya sa laro. Ngunit, muli siyang nakaramdam ng pananakit habang naghahanda nang lumaro.

May average si Ball na 13 points, 5.4 rebounds, 5.1 assists at 1.8 steals.

Nakatulong nang malaki si Ball sa opensa ng Bulls, pati sa perimeter defense.

Tinapos ng Chicago ang season, 46-36 at winakasan din ang apat na sunod na losing season, nang makapasok sa playoffs sa unang pagkakataon sapul noong 2017.

Magsisimula ang training camp ng Chicago sa susunod na linggo, habang bubuksan ang season campaign kontra Miami sa Oktubre 19. (VT ROMANO)

Related posts

Leave a Comment