PHOENIX ‘WAITING’ SA DOMESTIC VIOLENCE CASE NI ABUEVA

abueva44

(NI JJ TORRES)

HIHINTAYIN  ng Phoenix Pulse Fuel Masters ang mga napipintong legal proceedings na magaganap bago desisyunan ang future ng suspended player na si Calvin Abueva matapos ang mga akusasyon ng pananakit sa kanyang asawa at anak.

Ito ang pahayag ng Phoenix management ilang araw matapos ilahad ng asawa ni Abueva na si Sam ang mga hindi kanais-nais na ginagawa ng Fuel Masters star sa kanilang tahanan kamakailan.

Mariin namang itinanggi ni Abueva ang mga ibinibintang sa kanya.

“The Phoenix Pulse Fuel Masters are deeply saddened by the recent allegations about the behavior of suspended player Calvin Abueva. Claims of domestic violence and neglect have no place in our team and are seriously considered and mulled over by the company,” pahayag ng team sa isang statement.

“Once a full and appropriate legal procedure of these allegations is conducted, the team will assess the situation further and from these decide Calvin’s fate with the team,” dagdag ng team.

Sinabi rin ng Phoenix na makikipag-communicate sila sa parehong panig upang makatulong sa posibilidad na ang maayos ang domestic issue na naisapubliko gawa ng mga social media posts ng mag-asawa.

Ngunit sinabi rin ng Phoenix na nakasalalay kay Abueva kung paano niya masosolusyunan ang mga issues na hinaharap niya.

“The responsibility and cure for his behavior rests with Calvin. He can step up and accept responsibility for his actions and take responsibility for his recovery — it is his choice,” wika ng Phoenix.

Si Abueva ay nagsisilbi ng indefinite suspension na pinataw ni PBA Commissioner Wille Marcial dahil na rin mga serye na pangyayari kung saan nag-gesture siya ng malaswa sa girlfriend ni Ray Parks Jr. na si Maika Rivera at sa isang clothesline hit kay TNT KaTropa import Terrence Jones.

Nahuli rin si Abueva na naglalaro sa isang ligang labas sa Montalban, Rizal nang walang pahintulot ng kanyang team.

180

Related posts

Leave a Comment