PINGRIS, UMAHON SA PAGRERETIRO

Ni ANN ENCARNACION

BALIK aksyon si Marc ­Pingris, hindi sa Gilas Pilipinas o ­Philippine Basketball Association (PBA) kundi sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational Cup.

Matapos magretiro sa PBA, muling magiging aktibo sa basketbol ang tinaguriang Pinoy ‘Sakuragi’ bilang miyembro ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa 2021 MPBL na sisikad simula Disyembre 11 hanggang 23 sa Mall of Asia Arena.

Matatandaan na si Pingris, 40, ay nagdesisyon na tuluyang magretiro noong Mayo matapos ang mahigit na 16 taon na paglalaro sa PBA dahil sa tinamo nitong injury sa tuhod.

Naglaro sa collegiate league sa ilalim ng Philippine School of Business Administration, napili si Pingris na No.3 overall pick sa 2004 PBA Rookie Draft ng FedEx.

Kinalaunan ay na-trade siya sa Purefoods, sunod sa San Miguel, bago muling bumalik sa Tender Juicy Hotdogs.

Naging bahagi rin si Pingris ng Gilas Pilipinas, hanggang tuluyang magretiro.

Ngunit matapos ang 21 buwang pagpapahinga, nagdesisyon siyang muling magbalik sa pamamagitan ng Chooks-to-Go MPBL.

Susundin ng 22-member teams tournament ang format ng FIBA kung saan hahatiin ang mga koponan sa apat na pool.

11

Related posts

Leave a Comment