PITMASTER FOUNDATION PINARANGALAN NG PHIL. NAVY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

KINILALA ng Philippine Navy ang Pitmaster Foundation bilang katuwang sa ‘nation ­building’ at ‘humanitarian assistance’.

Nagpapasalamat naman si Atty. Caroline Cruz, executive director ng foundation, sa Navy sa tinanggap nilang pagkilala.

“Isang karangalan na mabigyan ng ganitong pagkilala kaya naman tuloy-tuloy ang pag-aabot natin ng tulong para sa mga nangangailangan ­nating mga kababayan,” wika ni Cruz.

Mula nang mag-umpisa ang pandemya, libu-libo na ang nabigyan ng tulong ng grupo.

Nagkaproblema nga lang sila nang matigil ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Kaya nahihirapan na silang i-accommodate ang mga humihingi sa kanila ng tulong.

“Prior to the suspension of our dialysis assistance, we received thousands of applications per day, and our team worked tirelessly to process each application. We are very sorry for the delays in our processing and we will use this time to do our research on how we can improve our systems,” ayon sa statement ng foundation.

Noon pa’y regular nang ipinatutupad ang regular dialysis program ng Pitmaster kung saan nagbibigay ito ng financial assistance na nagkakahalaga ng P4,500 sa mga dialysis patients.

Nasa 50,225 patients na sa 350 partner dialysis centers ang natulungan nila.

Marami ring lokal na pamahalaan ang nabigyan nila ng ambulansya.

Alam aniya nila kung gaano kahirap magkasakit.

Ngunit talagang nahihirapan na rin silang magbigay ng tulong dahil sa e-sabong lang sila kumukuha ng pondo, bukod sa mula sa bulsa ng kanilang chairman na si Boss Atong Ang.

Bago ito, tuwing may kalamidad, talagang nagpupunta ang grupo para mamahagi ng emergency assistance.

Tulad na lamang nang manalasa ang Typhoon Odette sa Visayas at iba pang parte ng bansa, tinungo nila ang Bohol at Cebu sa tulong ng Philippine Navy.

“We extended help to small islands facing the Pacific, along Quezon coastlines, which were not reached by any assistance, on top of our ­resources distributed in other affected areas in Visayas and Mindanao,” sabi ni Cruz nang makapanayam ng PhilStar.

Kabilang sa mga binibigay nilang tuong ay ang food packs at iba pang relief o emergency items.

Naniniwala naman si Ang na magbabalik din ang operasyon ng e-sabong at handa silang magpa-regulate sa gobyerno.

Samantala, muling pinapaalalahanan ng Pitmaster Foundation ang publiko na hindi sila ­humihingi ng donasyon o nagbibigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng GCash o bank transfer.

“Madalas gamitin ang paraan ng mga scammer na ito ang paghingi ng mga personal na detalye kagaya ng pangalan, GCash number at OTP. Hindi kalianman hihingi ang foundation ng OTP o kahit anong sensitibong impormasyon. Bukod dito, hindi rin gawain ng foundation ang manghingi ng donasyon lalo na sa pamamagitan ng text message,” pahayag pa ng Pitmaster.

98

Related posts

Leave a Comment