Players isa-isang nagpopositibo sa COVID NBA TEAMS MAS NAGHIGPIT

PATULOY na tinatamaan ng virus ng COVID-19 ang mga NBA players.

Pinakahuling inilagay sa NBA health protocols ang apat na manlalaro ng Charlotte Hornets na sina LaMelo Ball, Jalen McDaniels, Mason Plumlee at Terry Rozier.

Hindi naman inihayag kung nagpositibo ang mga nabanggit na manlalaro.

Bago ang laro ng Chicago Bulls laban sa Brooklyn Nets nitong Sabado ng gabi, inihayag ni Bulls coach Billy Donovan, nagpositibo si Javonte Green.

Unang nagpositibo nitong linggo si Coby White, dahilan kaya hindi siya nakasama sa trip sa New York.

Bumalik sa Chicago si Green nang malaman ang positibong resulta ng kanyang test. Maayos naman ang kundisyon ng player, gayunpaman, ipagpapatuloy ng team ang daily testing nito, bagay na nais din ni Donovan na gawin ng liga.

“I don’t think there’s any question that’s happening. I think there’s going to be, my guess would be, stricter policies than there have been this year,” ­pahayag ni Donovan via ESPN. “To your point, I think Thanksgiving and you’re dealing with Christmas and then New Year’s … people are going to be around family. I think that the way it’s moving right now is it’s getting a little more stricter.
Dagdag niya: “Certainly for us right now it’s a lot stricter because we’ve got two players who are positive.”

KNICKS SADSAD
SA NUGGETS

UMISKOR si Nikola Jokic ng 32 points at may 11 rebounds sa 27 minutes at inakay ang Denver Nuggets sa 113-99 win kontra Knicks, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa New York.
Hindi naghabol sa kabuuan ng laro ang Denver para itala ang ikatlong panalo lang sa 10 laro.

“Winning is the best medicine,” lahad ni Nuggets coach Michael Malone.

Nagdagdag si Zeke Nnaji ng 21 points (off the bench) sa Nuggets, nag-ambag naman ng 13 points si Will Barton at 11 kay Jeff Green.

Ikatlong sunod na talo naman ito ng Knicks at 5-8 sa Madison Square Garden ngayong season.

“We (got to) look ourselves in the mirror and decide what we want the season to be,” komento ni Julius Randle, top scorer sa Knicks, 24 points (9-for-18 shooting). “We have to commit to it.”

Nagsumite si Evan Fournier ng 15, 13 mula kay R.J. Barrett, habang tig-11 sina Alec Burks at Derrick Rose para sa New York.

“I say it all year (and) I’ll continue to say it: We’re going to win games with our defense,” dagdag ni Randle. “That’s who we are.”

Abante ang Nuggets, 30-24 sa first quarter at umangat pa, 60-49 sa halftime. Lumamang ng abot 16 puntos ang Denver sa second quarter, dahilan para mawalan ng gana ang home crowd.

Naibaba ng New York sa anim ang deficit sa third period, bumawi naman sina Green at Jokic ng layups sa magkasunod na posesyon ng Nuggets tungo sa 73-63 lead. Ang nabanggit na layups ay nagpainit sa 23-8 run kasama ang 12 points ni Jokic, nang lalo pang lumayo ang Denver, 92-71.

“There were a lot of looks on 3s just because of how much they were helping inside,” ani Nnaji.

Umabot pa sa 30 ang lead ng Denver mula sa hook shot ni JaMychal Green sa bandang gitna ng fourth quarter.

May 53% shot sa field ang Nuggets (44 for 84) at 47.6% sa 3-point range (20 for 43), at limitahan ang Knicks sa 40.2% field shooting (35 for 88) at 30.8% (12 for 40) sa 3-point range.

HEAT TUNAW
SA BUCKS

NAITALA ng Bucks ang ikapitong sunod na home game sa pamamagitan ng 124-102 win kontra bisitang Miami Heat, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Milwaukee.

Umiskor ang Bucks ng at least 30 points sa unang tatlong quarters at itala ang kanilang third-most points ngayong season.

Ikatlong talo ito ng Heat sa apat na laro at bigo pa ring makapaglista ng back-to-back wins sapol noong Nobyembre 18.

Dahil wala si Giannis Antetokounmpo, nag-step up si Khris Middleton, may 22 points, nine assists at six rebounds. Tumulong si Pat Connaughton, 23 points at 7 of 13 (53.7%) sa 3-point range.

Nagdagdag din si Bobby Portis ng 19 points at 16 rebounds at si Jrue Holiday, 16 points at seven assists.

Off the bench nagtala si Max Strus ng career-high 25 points sa Heat. May 15 points, nine rebounds at six assists naman si Tyler Herro at si Kyle Lowry, 10 points at seven assists.
Tumapos din si Dewayne Dedmon na may team-high 13 rebounds at si Caleb Martin ay ­naglista ng 16 points (off the bench).

Bunga nang patuloy na pagkawala nina Jimmy Butler at Bam Adebayo dahil sa injuries, nangangapa ang Heat sa opensa, kung saan naitala ang kanilang second-lowest field goal percentage na 40.5 mula noong ­Nobyembre 10.

Ibinagsak ng Bucks ang 17-point lead bago pa mag-halftime. Inatake ng Bucks ang basket at umiskor ng 30 points sa painted area.

Ang itinalang 19-8 run sa third period ay nagbigay sa Bucks ng 28-point lead at dito na tuluyang iniwan ang Miami, kung saan may tig-anim na puntos sina Portis at Connaughton.

Ikalawang sunod na larong wala si Antetokounmpo sanhi ng calf soreness.

BULLS ‘DI NAPIGIL
NG NETS

ISA na namang impresibong fourth quarter ang ipinamalas ni DeMar DeRozan, nang umiskor ng 13 mula sa kanyang 29 points, nang talunin ng Chicago Bulls
ang host Brooklyn Nets.

Top scorer si Zach LaVine, 31 points, pero si DeRozan ang umakay sa Bulls sa nasabing panalo, nang bumato ng 6 of 11 sa fourth quarter at iangat ang kanyang league-leading total sa 178 points sa fourth quarter.

Naghahabol ang Bulls, 79-82 papasok sa fourth, pero nang maagaw ang lead, 87-86, 8:39 mula sa jumper ni rookie Ayo Dosunmu, hindi na nilingon ng
Chicago ang kalaban.

Itinulak pa ni DeRozan sa 92-86 lead ang Bulls mula sa ­fadeaway sa seven-minute mark at naisalaksak ang three-point play tungo sa 101-96 edge, 4:27 pa.

Naibato ni DeRozan ang final points nang makahirit ng 16-footer, 103-100 lead, 2:54 na lang at sinubuan si Lonzo Ball ng open 3-pointer sa huling 17.5 seconds para sa 110-105 count.
Nagdagdag sina Dosunmo at Nikola Vucevic ng 11 points sa Bulls, may 47.7% shot at 10 3-pointers.

Kumulekta naman si Kevin Durant ng 28 points at 10 rebounds sa Nets, nilasap ang ikalawang talo sa Bulls ngayong season.

Nagsumite si LaMarcus Al­dridge ng 20 points, habang si James Harden ay nag-ambag ng 14 points, 14 assists at seven rebounds sa Nets, may 41.4% shooting at may 25 more shots laban sa Chicago (111-86).

Naitabla ng Chicago ang iskor sa 42-all mula sa 3-pointer ni Vucevic, 6:51 sa second at kinuha ang unang lead sa 47-46 count buhat sa layup ni LaVine, 3:57 pa.

Nagawang umabante sa halftime ng Brooklyn buhat sa tres ni Durant, 56-52.

113

Related posts

Leave a Comment