POC hugas-kamay sa PSI

OBERTAYM NI DENNIS INIGO

IGINAGALANG ng Philippine Olympic Committee (POC) ang naging desisyon ng International Federation (IF) sa swimming, dating FINA, laban sa Philippine Swimming, Inc. (PSI).

Matatandaang binawi ng IF ang kanilang rekognisyon sa PSI, at tuluyang ibinasura ang board of trustees, officers at presidente ng naturang national sports agency.

“The recognition of Philippine Swimming, Inc. is now deemed withdrawn and the stabilization committee will act as a reform and electoral committee in its place,” paliwanag ng IF sa isang memo noong Disyembre 15 na nakapangalan kay PSI president Maria Lailani “Lani” Velasco.

May bagong brand name na World Aquatics, napagdesisyunan ng IF na alisin ang PSI mula sa kanilang roster ng national federations matapos silang impormahan ng POC sa nabuong stabilization committee, na magpapatakbo (day-to-day) sa operations ng asosasyon at maamyendahan ang by-laws sa pagsagawa ng bagong halalan.

Bilang resulta sa ikalawang memo, sinabi ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ang stabilization committee ay may responsibilidad na ayusin ang national sports association (NSA) sa swimming.

“The stabilization committee will have, as a more onerous task—, to recommend an entirely new NSA for swimming,” paliwanag ni Tolentino. “The committee has six months to do that and make the communications with the FINA.”

Ang pinakabagong direktiba ng FINA sa PSI ay kapareho ng nangyari sa International Volleyball Federation o FIVB at World Karate Federation o WKF sa kanya-kanyang NSA.

Ang Philippine Volleyball Federation (PVF) ay tinanggal din at pinalitan ng Philippine National Volleyball Federation Inc., at ang Philippine Karatedo Federation ay naging Karate Pilipinas.

Ibinasura ng FINA ang rekognisyon sa mga opisyal at board members ng PSI makaraang sumablay ang naturang NSA amyendahan ang kanilang by-laws at magsagawa ng eleksiyon sa ilalim ng kanilang bagong charter.

Kaugnay nito, itinalaga ng POC ang tatlong miyembro sa stabilization committee na sina POC legal head Atty. Wharton Chan, deputy secretary ­general Valeriano “Bones” Floro at ­Bases Conversion Development Authority senior vice president Arrey Perez.

Hangad ng Obertaym na sana ay maging maayos na ang swimming federation ng bansa sa ikatatagumpay ng mga atleta natin lalo sa international competitions.

290

Related posts

Leave a Comment