PRO MPBL, APRUB SA GAB

GANAP nang professional league ang Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League makaraang makuha ang approval ng Games and Amusements Board (GAB).

Sa pangunguna ng Chooks-to-Go Pilipinas, sa pamumuno ni Ronald Mascariñas, tinuldukan ng MPBL ang tatlong taong pagiging semi-professional league at naki­isa sa GAB para mapabilang sa professional basketball leagues sa bansa.

“Turning professional, we want to extend our friendship and corporation in running the league. GAB will be here to help you for the safety and health protocol,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Salamat sa pamunuan ng Chooks at naging reality ito. Ma­tagal na namin itong hinihintay and now we can move on. Pagtulungan na lang natin ito,” dagdag ng dating Palawan governor.

“We just want to remind every­body, that we abhor and will not allowance any form of game fixing,” babala ni Mitra.

“Nagpapasalamat po kami sa Chooks, kay Senator Manny Pacquiao at sa GAB sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikatatagumpay ng liga,” sabi naman ni dating PBA MVP at ngayo’y MPBL Commissioner Kenneth Duremdes matapos makuha ang pro license.

Dalawang season nabinbin ang MPBL dahil sa COVID-19 pandemic kaya’t umaasa si Duremdes na makakabawi ang liga lalo ngayong protektado na sila ng GAB.

Sa bagong papel ng Chooks sa MPBL for basketball operation, higit na lumawak ang impluwensiya ng una sa local basketball mula sa grassroots hanggang sa regional at national level.

Itinataguyod din ng Chooks ang National Basketball League, ­Women’s NBL, Chooks 3×3, at Vismin Cup. (ANN ENCARNACION)

47

Related posts

Leave a Comment