PSL ALL-FILPINO CONFERENCE CROWN: IKAKAHON NG CARGO MOVERS

ISANG panalo pa at kampeon na ang F2 Logistics.

Ito’y matapos talunin sa Game One ng best-of-three series ang Cignal HD Spikers sa isang pahirapang laban, 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-8, sa 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, Sabado sa SMART Araneta Coliseum.

“Wala akong inexpect na madaling laban. Nag-expect talaga kami ng ‘di madaling laban,” lahad ni F2 Logistics head coach Ramil De Jesus. “Nire-remind ko lang sila, ‘Forget the first set to the fourth set’. Kagandahan lang, sa amin napunta yung breaks.”

Sa Martes, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City maaaring tapusin ng Cargo Movers ang serye at ibulsa ang korona ng All-Filipino Conference, na dalawang taong ipinagkait sa kanila ng Petron Blaze Spikers.

May pagkakataon naman ang Cignal na biguin ang F2 at ihirit ang Game 3 winner-take-all, base sa ipinamalas nilang laban.

Inakala ng Cignal na kuha na nila ang Game One matapos umabante, 23-17 sa fourth set, matapos angkinin ang unang dalawang set. Pero humabol ang Cargo Movers at nakahirit ng decider.

Samantala, bagamat naputol ang kanilang dalawang taong pagrereyna sa All-Pinoy conference, siniguro ng Petron Blaze na hindi na makalalampas sa kanila ang bronze medal.

Tinalo ng Blaze Spikers ang Foton Tornadoes sa five-setter, 28-26, 25-27, 25-21, 24-26, 15-12.

 

200

Related posts

Leave a Comment