RAPTORS BINAKBAK NG BUCKS

BUMIYAHE ang Bucks sa Toronto, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng triple-double, 30 points, 10 assists at season-high 21 rebounds, pero ang tiebreaking 3-pointer ni Grayson Allen sa ­huling 11.6 ­seconds ng overtime ang umakay sa Milwaukee sa 104-101 win kontra Raptors.

Si Antetokounmpo, naglista ng career-high 55 points sa Washington, ay may at least 40 points, 10 rebounds at five assists sa nakalipas na tatlong laro.

Ang two-time MVP ay nagtala ng 7-for-18 laban sa Toronto, 1-of-3 sa 3-point range at 15-for-21 sa free throw line.

Mula sa 90-69 Bucks lead sa huling 3:50 ng fourth, hinabol ng Toronto at ginawang 97-94, 25 seconds na lang bago ang 26th turnover ng Milwaukee, na nagbalik ng bola sa Raptors at naipasok ni Gary Trent, Jr., ang panablang tres sa huling 0.8 segundo.

Bigo naman si Antetokounmpo maisalaksak ang alley-oop sabay ng buzzer, na nagdala sa laro sa overtime.

Nagtala si Allen ng 16 points, may 14 points at 12 rebounds si Bobby Portis Jr. at si Pat Connaughton, 15 puntos para sa ikatatlong sunod na panalo ng Bucks.

May 28 points at 12 assists si Fred VanVleet, kasunod si Trent, 22 points at Scottie Barnes, 17 points, para sa Raptors, sixth loss na sa seven home games.

Sa iba pang resulta: panalo ang Los Angeles Lakers kontra Miami Heat, 112-109; Detroit Pistons vs Golden State Warriors, 122-119; New Orlean Pelicans vs Houston Rockets, 119-108; New York Knicks vs San Antonio Spurs, 117-114; Orlando Magic vs Oklahoma City Thunder, 126-115;

Memphis Grizzlies vs Charlotte Hornets, 131-107; Minnesota Timberwolves vs Portland Trail Blazers, 113-106; Cleveland Cavaliers vs Phoenix Suns, 90-88; at Atlanta Hawks vs Sacramento Kings, 120-117. (VT ROMANO)

24

Related posts

Leave a Comment