RECORD NI JABBAR HIHIGITAN NI LEBRON

MAGSISIMULA ang panibagong season ng NBA sa Oktubre 19 at isa sa mga inaabangan ang pagsira ni LeBron James sa NBA’s all-time scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar.

Subalit, balewala lang umano iyon para sa Lakers’ superstar.

Tila hindi excited si James sakaling masira niya ang record ni Abdul-Jabbar dahil hindi sila magkaibigan.

Naging maasim ang relasyon ng dalawang manlalaro, dahil na rin sa mga kritisismo ng NBA legend kay James at hindi pagkatutugma ng kanilang mga pahayag sa ilang bagay.

Reaksyon ni James via Twitter: ‘Nah. No thoughts. And no relationship.”

Sa nakaraang Lakers’ media day, inamin ni James ang ilang ‘disagreements’ kay Abdul-Jabbar, pero, hinahangaan pa rin niya ang legend.

“To sit here and to know that I’m on the verge of breaking ­probably the most sought-after record in the NBA, something that people say will probably never be done, I think it’s just super like humbling, for myself,” ani LeBron. “I think it’s super cool.

“And you know, obviously Kareem has had his differences, with some of my views and some of the things that I do. But listen, at the end of the day, to be able to be right in the same breath as a guy to wear the same [Lakers] uniform, a guy that was a staple of this franchise along with Magic and Big Game [James Worthy] over there for so many years, especially in the 80s, and a guy that does a lot off the floor as well. I think it’s just super duper dope for myself to be even in that conversation.”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang pagbanat ni Abdul-Jabbar kay James nang ihayag nito ang suporta sa NBA players na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

“LeBron is just plain wrong—and his being wrong could be deadly, especially to the Black community,” banat ni Abdul-Jabbar.

May pagkakataon pang nag-post si James ng meme sa Instagram, na tila sinasabing pareho lang ng cold at flu ang COVID-19.

Naging dahilan iyon para sulatan ni Abdul-Jabbar ang player:

“LeBron has encouraged vaccine hesitancy which puts lives and livelihoods at risk.”

Bagay na hindi nagustuhan ni James. Pati ang banat ni Abdul-Jabbar sa mga kaibigang manla­laro ni James, gaya ni Kyrie Irving.

Pinupuri rin naman ni Abdul-Jabbar ang mga ginagawa ni James, gaya ng ‘I Promise’ school nito at ang pagiging boses para sa Black community at magtsi-cheer din umano siya kay James sa pagwasak sa kanyang scoring record.

Sa ngayon, si James ay may 37, 062 career points, 1,325 points sa likod ng 38,387 ni Abdul-Jabbar.

BUCKS PABORITONG
MAGKAMPEON

MAUULIT ang NBA championship ng Milwaukee Bucks.

Base ito sa basketball annual survey ng league’s 30 general managers.

Inilabas ang survey sa NBA.com. nitong Martes (Mierkules sa Manila), kung saan nangunguna ang Bucks sa nakuhang 43% votes.

Tumanggap naman ang defending champion Golden State Warriors ng 25% at 21% para sa Los Angeles Clippers.

Nakakuha ang Boston ­Celtics, runners-up sa Golden State sa nakaraang season’s finals ng 11% votes.

Si Dallas Mavericks’ Luka Doncic naman ang clear favorite na tatanghaling NBA Most ­Valuable Player, 48%. Habang pumangalawa si Bucks star Giannis Antetokounmpo 34% at ­pangatlo si 76ers’ Joel Embiid (14%).

Si Stephen Curry, NBA Finals MVP, ay nakakuha lamang ng 1% votes.

Para naman sa kung sinong player ang pipiliin ng mga GM ‘to build a team around’, nanguna pa rin si Antetokounmpo (55%) at pumangalawa si Doncic (45%).

Ang survey ng general ­managers ay ginaganap taon-taon sa nakalipas na 21 taon, kung saan ang mga participant ay hindi maaaring bumoto sa sarili nilang koponan o personnel. (VT ROMANO)

10

Related posts

Leave a Comment