“RIPER/SABONG ON AIR NINA PEREZ AT CAYANONG, KAMPEON SA WPC 6-COCK DERBY”

Hinangaan ng mga sabungero ang mga binitawang manok ng Riper/Sabong On Air matapos magkampeon sa naganap na Hosted by : JP DRAGON 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum noong Linggo.

Nagtala ng limang puntos ang combined entry nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong na Riper/Sabong On Air sapat para masilo ang titulo sa event na sinalihan ng mga bigating breeder at sabungero.

Ikinalat sa champion, runner-up hanggang sa handler at gaffer ang guaranteed prize na P3.7M sa paderby at hosted ni JP Dragon.

Unang pinagpag ng Riper/Sabong On Air ang Malolos BTC, Wild Creek J-Lo na pag-aari nina Boyet Cruz at JV Lopez, sunod ang Digama Waste ni Robert Gaza habang pangatlo ang ClearCut ni Madlam Bayan Bros.

Kabilang sa tinumba ng mga panabong nina Perez at Cayanong ang VRV GALLMAN ni Vincent Violago Manalansan at Lady Dragon ni Jimboy Jimenez.

Matindi ang kanilang mga nakalaban at ayon kina Cayanong at Perez ay nagbunga ang kanilang pagti-tiyaga sa paghahanda ng mga manok.

Kasama sa naging susi ng tagumpay ng Riper/Sabong On Air ay sina Boy Royo (Handler) at Arvin Putot (Gaffer).

Ang breakdown ng nasabing guaranteed prize ay Champion P2M., 1st Runner-up P150,000, P300,000 (2rd R-up), P400,000 (3rd R-up), P700,000 (4th R-up) at P100,000 at P50,000 ang handler at gaffer ayon sa pagkakasunod.

Related posts

Leave a Comment