ROCKETS, RUMESBAK

HOUSTON – Umiskor si James Harden ng 29 points, habang ikalawang sunod na triple-double naman ang iniambag ni Russell Westbrook, 28 points, 13 assists at 10 rebounds, para akayin ang Houston Rockets sa 126-123 win laban sa New Orleans Pelicans.

Hinirit ni Westbrook ang dalawa niyang clutch free throws para ibigay sa Rockets ang three-point lead sa huling 6.1 seconds. At nagmintis si Josh Hart sa kanyang tres kasabay ng pagtunog ng buzzer na nagkaloob ng panalo sa Houston.

Pambawi ito ng Rockets buhat sa 111-117 pagkatalo sa kamay ng Milwaukee Bucks noong Huwebes sa pagbubukas ng NBA season.

BULLS BIGO SA RAPTORS

CHICAGO – Diniskaril nina Pascal Siakam, may 19 points at OG Anunoby, umiskor ng 17 at ng Toronto Raptors ang home opener ng Chicago Bulls, 108-84.

Ang defending NBA champions ay itinakbo ang 48-40 halftime lead tungo sa kanilang 10th straight win laban sa Bulls.

Si Anunoby ay tumirada ng tatlong 3-pointers, habang si Serge Ibaka ay nagdagdag ng 18 points at seven rebounds. Nagsumite rin si Fred VanVleet ng 16 sa pagbalikwas ng Raptors buhat sa pagkatalo sa kamay ng Boston noong Biyernes.

CAVS WAGI SA PACERS

CLEVELAND – May 25 points si Tristan Thompson at sa unang pagkakataon ay naka-shoot ng 3-pointer, habang si Kevin Love ay nagdagdag ng 21 points nang angkinin ng Cleveland Cavaliers ang 110-99 home-opening win laban sa Indiana Pacers at bigyan si first-year coach John Beilein ng una nitong NBA victory.

Sinimulan ng Cavs ang kanilang 50th season sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay sa kanilang nakalipas na season, partikular ang 1990s.

HAWKS NALO SA MAGIC

ATLANTA – Hinihingi ni Trae Young ang bola, lalo na sa puntong kailangan siyang umiskor.

Bukod dito, inaasahan din na siya ang magiging Atlanta’s big-time player.

Umiskor si Young ng 39 points, kasama ang huling walo ng Atlanta, para pangunahan ang mainit na kampanya ng Hawks sa paggapi sa Orlando Magic, 103-99.

109

Related posts

Leave a Comment