ROSE SHINES AGAIN

NEW YORK — Muling ipinamalas ni Derrick Rose ang husay matapos umiskor ng 25 points, habang nagdagdag si Karl Anthony Towns ng 21 markers at nine rebounds at akayin ang Minnesota Timberwolves sa 112-102 win kontra Brooklyn Nets.

Si Rose ay 11-for-17 sa field, upang tulungan ang Minnesota na makabalik makaraang matalo ng dalawang sunod.

Ang 30-year-old guard, wagi ng 2011 NBA MVP award noong nasa Chicago Bulls, ay binulabog ng injuries sa mga nagdaang taon bago siya muling nakapaglaro nang maganda ngayong season.

At para kay Towns, nanunumbalik na muli ang kinang ng career ni Rose.

“I love telling Derrick how good he is and how MVP Derrick (has) always been there and is still there,” wika ni Towns.

Kumamada rin si Taj Gibson ng 16 points at 11 rebounds para sa Minnesota at tumapos si Jeff Teague na may 15 points para sa unang road win sa season ng Timberwolves.

“I trust every single person in the locker room to get the job done,” dagdag ni Towns.

Anim na players ng Brooklyn ang may double figures, pero 41.8% lang mula sa field. Sina Joe Harris at Spencer Dinwiddlie ay may tig-18 points, at 13 points mula kay DeMarre Carroll.

“We have to do a better job coming out and setting the tone,” ani Harris. “We just kind of came out and they definitely hit us in the mouth first before we could really engage with them and set the tone early.”

Iniskor ng Nets ang 11 ng unang 15 points sa final quarter para dumikit sa sampu, 93-83, 9:21 natitira sa laro.

Matapos mag-timeout ng Timberwolves, isang jumper ni Rose na sinundan ng 3-pointer ang nagbalik sa abante ng Minnesota sa 15.

4

Related posts

Leave a Comment