SAPATOS NI MJ NABENTA NG $1.47-M

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

NABENTA sa halagang $1.47 million ang pares ng sneakers na ginamit ni Michael Jordan noong rookie year niya.

Sa auction na ginanap noong Linggo (Lunes sa Manila), natabunan nito ang dating record na $615,000 set ng Jordan shoes noong nakaraang taon.

Sa estima ng Sotheby’s, ang naturang sapatos ay nasa pagitan ng $1 million at $1.5 million.

Si Nick Fiorella, isang card collector, ang may winning bid na $1.47M sa Sotheby’s Icons of Excellence & Haute Luxury auction sa Las Vegas.

Isinuot ni Jordan ang size 13 Nike Air Ship sneakers sa kanyang ikalimang NBA game noong Nobyembre 1, 1984, kung saan umiskor siya ng 17 points, five rebounds at may five assists sa 33 minutes. Natalo ang Chicago Bulls sa Denver Nuggets, 129-113, sa nasabing laro.

Ayon sa ESPN, sa ­paghahalintulad sa larawan, maaaring ang sapatos ay ginamit ni Jordan nang mas maaga pa sa 1984.

Matapos ang laro, ibinigay ni Jordan ang sneakers sa Nuggets ball boy na si Tommie Tim Lewis III, na ayon sa Sotheby’s ay iningatan at nasa ‘excellent condition’ at pirmado rin ng six-time NBA champion.

Dinisenyo ni Bruce Kilgore ang Air Ship, ang unang basketball shoe na isinuot ni Jordan bilang professional. Naka-pre-date rin ang kanyang signature sa Air Jordan sa Nike.

Base sa ulat, nang pumasok si Jordan sa NBA, ang Air Jordan 1s ay hindi pa handa kaya’t sinuplayan siya ng Nike ng Airships.

Pero ayon sa Sotheby’s, ang iba ay mayroong “Air Jordan” sa heels, ang iba nama’y “Nike Air,” pero ang “Air” sa nasabing sapatos ay kakaiba.

Ang Air Ship na kulay pula ang pinili ni Jordan, kahit masyadong makulay at lumabag sa NBA’s uniform clause. Gumawa pa ang Nike ng infamous ad para sa nasabing sapatos.

Ang sapatos na nabenta ng $615,000 (Air Jordan 1s) ay ginamit ni Jordan sa preseason exhibition sa Italy noong 1985, nang wasakin niya ang backboard matapos mag-dunk. May piraso pa ng salamin sa sole ng left shoe.

Second-highest shoe ito, sa likod ng prototype ni Kanye West’s Nike Air Yeezy 1 shoe, na kanyang isinuot sa 2008 Grammy’s, na nabenta ng $1.8 million sa Sotheby’s private sale noong Abril.

CHICAGO, BULLS-EYE
SA 4 GAMES

NAGPIYESTA si DeMar DeRozan nang kontrolin ang fourth quarter, bagay na dati na niyang ginagawa sa Toronto.

Umiskor si DeRozan ng 26 points laban sa dating koponan, kasama ang 11 sa final period, nagdagdag si Zach LaVine ng 22 points at sinimulan ng Chicago Bulls ang season via four straight wins, na unang pagkakataon sapol noong 1996-97, at tinalo ang Raptors, 111-108 Martes (Manila time).

“DeMar obviously did a great job of closing the game out,” lahad ni Bulls coach Billy Donovan.

Iniskor ni DeRozan ang apat sa huling limang puntos ng Chicago para tapusin ang paghahabol ng Toronto.

“You live for those moments, honestly,” ani DeRozan matapos ang laro. “I get up for those moments. I love them.”

Ang overtime loss ng Charlotte laban sa Boston ay nag-iwan sa Bulls na tanging unbeaten team sa East.

Nagsumite si Nikola Vucevic ng 17 points habang si Lonzo Ball ay nag-ambag ng 15 sa Bulls. Si Ball ay may 5-for-9 sa 3-point range.

May 22 points si OG Anunoby at 18 mula kay Gary Trent Jr. para sa ikatlong talo ng Raptors sa apat na laro.

Nag-ambag din si Toronto’s Fred VanVleet ng 15 points at career-high 17 assists, habang si Precious Achiuwa nama’y 11 points at 11 rebounds at 13 puntos mula kay rookie Scottie Barnes.

Sunod na iskedyul ng Bulls sa Biyernes (Manila time) kontra New York Knicks. Habang Indiana Pacers naman ang makakaharap ng Raptors sa Huwebes (Manila time).

GIANNIS MINTIS
SA TRIPLE-DOUBLE

DUMAYO si Giannis Antetokounmpo sa Indianapolis, Indiana at sablay lang ng isa para sa triple-double performance – 30 points, 10 rebounds at nine assists. Tumulong si Khris Middleton ng 27 points at nagwagi ang defending champion Milwaukee Bucks kontra Pacers, 119-109.

Hindi pinalaro ni coach Mike Budenholzer ang dalawang injured starters, center Brook Lopez at guard Jrue Holiday, gayundin si key backup Bobby Portis, pero sapat ang bala niya para ­talunin ang Pacers, naitala ang ikatlong talo sa apat na laro sa ilalim ng bagong coach na si Rick Carlisle.

Ang Pacers ay pinangunahan ni Malcolm Brogdon, 25 points at seven assists, habang si Domantas ­Sabonis ay may 21 points, 13 rebounds at five assists.

Ang four-point play ni Middleton ang nagsara sa first-quarter scoring, na nagpabago sa takbo ng laro. Pinutol ang 30-30 tie at mula rito ay hindi na naghabol ang Milwaukee.

Makakalaban ng Bucks ang Minnesota sa Huwebes (Manila time) at Toronto naman para sa Pacers.

106

Related posts

Leave a Comment