SIMULA NA WEEKLY PRACTICE NG GILAS

SIMULA na ang weekly practice ng Philippine national basketball team sa susunod na Lunes.

Ayon kay Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, bilang paghahanda ito sa fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

“We will will start our Mondays only practice next Monday, at least once a week. ‘Pag malapit na po ang window sa November, dadalas na po ‘yan,” pahayag ni Reyes sa hearing ng Senate Committee on Sports nitong Lunes.

Ang fifth window ay ­gaganapin sa Nobyembre 10-13. Parehong road games ito sa Gilas, na sasabak kontra Jordan sa Nob. 10 at Saudi Arabia sa 13.

Ipinaliwanag din ni Reyes, ang Gilas players na based sa Japan’s B. League ay darating isang linggo bago ang fifth window.

Samantala, tiniyak niya ang PBA players na mapipiling maglaro maging sa sixth window ay papayagan ng kanilang mother teams sa PBA.

“We have been given ­assurance that lahat ng players na pipiliin namin for the fifth and sixth windows will be allowed to play. Ang importante po kasi hindi lang availability but also the practice time, preparation time. ‘Yun ang pinakaimportante ngayon,” giit ni Reyes.

Sinang-ayunan din ito ni PBA Commissioner Willie Marcial.

“Bibigyan po namin sila ng at least three teams na pwede pagpilian para matuloy ang November window. Pero tuloy-tuloy pa rin po ang PBA para sa November window,” ani Marcial.

Magsisimula ang league’s Commissioner’s Cup kasabay ng November window.

“Tatlong teams lang po, napag-usapan po namin ni Coach Chot, kasi kung titigil pa ulit kami after two weeks, baka matanggal na po ako sa pagka-commissioner,” wika ni Marcial.

Binigyang-diin naman niya na full support ang PBA sa Gilas Pilipinas, lalo sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

“All out support po kami sa Gilas. Lahat po ng players, kung sino po gustong players, coaches, kahit po ball boys, staff, ibibigay po ng PBA kung kailangan nila,” sabi pa ni Marcial. (ANN ENCARNACION)

Related posts

Leave a Comment