SINO-SINO? KAILAN MAGHAHANDA?

ROLL VTR Ni VT ROMANO

NAPAKARAMING basketball player ng Pilipinas. Sa collegiate leagues lang tambak na.

Pero, bakit hindi pa rin makapaglagay ng mga manlalaro para sa national pool.

Bakit hanggang ngayon hugot system pa rin ang umiiral?

Bakit ko nasabi?

Kasi sa November ang fifth window ng FIBA Asia Cup, Setyembre ngayon at hindi pa buo ang koponang isasabak kontra Jordan sa Nobyembre 10 at Saudi Arabia (November 13).

Sa Senate hearing on sports noong Lunes, binanggit ni national team head Coach Chot Reyes, players from the PBA, UAAP, NCAA at maging ‘yung mga nasa Japan B-League ang bubuo sa koponan.

Magsisimula sa Setyembre 21 ang PBA Commissioner’s Cup. Sinu-sinong manlalaro ang ipahihiram ng mga koponan sa Gilas Pilipinas?

Kailan pipiliin ang mga manlalaro, kailan magsisimula ng ensayo at paghahanda?

Tandaan natin, kitang-kita ang kawalan ng chemistry sa naging kampanya ng Gilas Pilipinas sa fourth window noong nakaraang buwan. Kahit pa nga present si NBA star Jordan Clarkson at Kai

Sotto sa team, hindi naging sapat dahil natalo ang team sa Lebanon.

Anong petsa na ngayon, Setyembre 15, kailan papangalanan ang mga miyembro ng team?

Kahit sabihin pang qualified na ang Pilipinas sa World Cup 2023 bilang host country, nakaka-proud pa rin namang manalo sa fifth window.

Hindi ba pwedeng bumuo na ngayon ng team at iyon na rin ang ilaban sa 2023?

Kahit anong sports, napakahalaga ang mahabang pagsasanay. Walang shortcut sa tagumpay!

***

NAIS din ng Samahang Basketbol Pilipinas (SBP) madaliin ang pagna-naturalize kay Brgy. Ginebra resident import Justin Brownlee at maging sa import ng TNT na si Cameron Oliver para sa Gilas Pilipinas.

Matagal nang nagpahayag ng intensyon si Brownlee maging naturalized player ng Pilipinas. Ito’y bilang pagtanaw niya ng utang na loob dahil sa pamamagitan ng PBA, nabigyan siya ng pagkakataong patunayan ang kanyang kakayahan sa basketball.

Ang sabi, si Brownlee ang ipantatapat ng ­Gilas Pilipinas sa naturalized player ng Indonesia sa SEA Games na si Marques Bolden.

At ang misyon ni Brownlee, bawiin ang SEA Games gold!

Teka muna, hindi ba kaya ng mga Pinoy ­players bawiin ang gintong medalya sa biennial meet?

21

Related posts

Leave a Comment