SIXERS INAKAY NI HARDEN vs PISTONS

NAGTALA ng triple-double si James Harden, 20 points, 11 rebounds at 11 assists at inakay ang Philadelphia 76ers sa 123-111 win kontra Detroit Pistons.

“I hate to use this example, but when he’s playing like this, it’s like having a scoring Magic Johnson on the floor,” pahayag ni ­Sixers coach Doc Rivers patungkol kay Harden. “When he runs our team with this kind of pace and he scores and gets assists, we’re really good.”

Tumulong kay Harden si Tyrese Maxey, 23 points at si Montrezl Harrell, 20 points para sa pang-apat na panalo ng Sixers sa limang laro.

Sa panig ng Detroit, may 25 points si Killian Hayes habang si Isaiah Stewart, 20 points at 13 rebounds, 20 points naman mula kay Bojan Bogdanovic.

Ungos ang Sixers, 71-45 sa halftime, mula sa 16 puntos nina Harrell at Harden, may 13 points, 10 rebounds at nine assists. Nangailangan lang si Harden ng 27 seconds sa second half upang kumpletuhin ang kanyang triple-double nang i-setup ang basket para kay Tobias Harris at iangat sa 19 ang kalamangan ng Philadelphia.

Na-outscore ng Sixers ang Pistons, 29-28 sa third at kinuha ang 100-82 lead papasok sa fourth. (VT ROMANO)

26

Related posts

Leave a Comment