SLP-PH TEAM DADAYO SA DUBAI MEET

MABIBIGYAN ng pagkakataon ang mga piling batang swimmers ng Swimming League Philippines (SLP) na sumabak sa international competition sa susunod na buwan.

Binubuo ng 13 atleta, kabilang ang apat na babae mula sa iba’t ibang swimming club na affiliated ng SLP, sasabak ang koponan sa Hamilton Aquatics Short Course sa Dubai, United Arab Emirates sa Oktubre 22-23.

Kasama sa SLP-Philippine Team na makikipagtagisan ng husay laban sa locals at foreign squad sa Hamada Swimming Center sina Julia Ysabelle Basa, 15, at Behrouz Mohammad Moj­deh, 11, ng Paranaque Swim squad; Kathryn Leigh P. Kier, 10; Hanna Mikaela P. Lim, 13, at Patricia Celine A. De Chavez, 17.

Kabilang din sina Kristian Yugo Cabana, 12; Louis Andrei P. Lim 12; Charles Matthew J. De Luna, 13; Lyyld Wynn O. ­Robles, 14; Davidmorvyn L. Gillego, 12; Master Charles S. Janda, 13; Andrea Kenjie Samontanes, 13; at Jarold Kesley R. Camique, 14.

Ibibida ng SLP-PH youngsters at nina team manager Leticia S. Basa, assistant coach Christine Keith De Luna at head coach ­Bryan Estipona ang iba pang detalye sa Dubai meet ngayong Huwebes ng umaga sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports, sa Behrouz Restaurant na matatagpuan sa 50 Sct. Tobias, Timog, Quezon City.

Inaanyayahan ni TOPS prexy Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiasts na makiisa sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant at mapapanood via livestreaming sa opisyal na FB page ng Usapang Sports at Channel 45 ng PiKO (Pinoy Ako), ang pinakabagong mobile apps sa bansa.

5

Related posts

Leave a Comment