SMB, MERALCO HIHIRIT NG GAME 7

0

Ni ANN ENCARNACION

MAIBAGAHE na kaya ng TNT at Magnolia ang ika-apat na panalo tungo sa 2021 PBA Philippine Cup Finals, o makapwersa ng decider Game 7 ang kanilang mga karibal na San Miguel at Meralco?

Iyan ang malalaman ngayon sa Game 6 sa pagitan ng Tropang Giga at Beermen sa alas-3 ng hapon, at Hotshots at Bolts sa alas-6 ng gabi sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga.

Parehong angat ng isang game (3-2) ang TNT kontra SMB, at Magnolia kontra Meralco, at kapwa nangangailangan ng isang panalo na lang upang makuha ang dalawang silya sa finals.

Ngunit batid din ng Tropang Giga at Hotshots na hindi magiging madali ang daan tungo sa kampeonato lalo’t parehong palaban din ang kanilang mga katapat na Beermen at Bolts.

Nagbalik si Kelly Williams mula sa pagsunod sa health at safety protocols habang binalewala ni Poy Erram ang sakit na nararamdaman sa cheekbone upang tulungan ang Tropang Giga na makuha ang ikatlong panalo kontra Beermen, 110-90, noong Miyerkoles.

Tinapos naman ni Bolts Allein Maliksi ang sinimulan ng mga kakampi na sina Chris Newsome at Nard John Pinto upang iwasan ang maagang pagbabakasyon nang ­magwagi laban sa Hotshots, 102-98, at ma-extend ang semifinal series nila.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment