(NI BERNARD TAGUINOD)
IPINABUBUHAY sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Gintong Alay projects na tatak ni dating pangulong Ferdinand Marcos, sa pagsuporta sa mga Atletang Filipino.
Ayon kay House majority leader Martin Romualdez, epektibo ang Gintong Alay na itinatag ni Marcos noong October 31, 1979 sa pamamagitan ng Letter of Instructions No. 955.
Sa pamamagitan ng Gintong Alay, nagkaroon educational at fund campaign para tulungan ang mga track and field athletes at noong Mayo 2, 1980 ay pinalawak ito sa 17 sports kung saan nagdonate ang mga pribadong sektor, nagsagawa ng sport program at nag-ampon ng mga atleta.
Ito ang nais ni Romualdez na maibalik upang makakuha ang tulong ng mga pribadong sektor sa pag-aalga sa mga atletang Filipino na nawala matapos ang Edsa revolution noong 1986.
“If the country is to create sports superstars and excel in international sporting competitions like the Olympics, Asian and SEA Games, it must re-dedicate itself to the proven concept of the private and public sectors joining hands to spur sports development from the grassroots to the national and international levels,”ani Romualdez.
Kabilang sa mga kilalang atleta na produkto umano ng Gintong Alay Projects ay sina dating track and field superstar Lydia de Vega na kilala bilang Asia’s Sprint Queen, Elma Muros, two-time Olympian Isidro del Prado at swimmer champion Eric Buhain.
Ayon sa mambabatas, kayang magproduce ang Pilipinas ng mga future champion kapag natulungan ang gobyerno at pribadong sektor tulad nina Christine Jacob at Akiko Thomson na mga swimming superstars.
“We have to focus on winning competitions, notably the Asian and SEA Games and the Olympics. In sports competitions, champions are made and not miraculously born,” ani Romualdez.
175