(NI KIKO CUETO)
NAG-SORRY ang organizers ng 30th Southeast Asian Games sa mga football teams mula sa Myanmar, Timor-Leste, Cambodia at Thailand na nagreklamo dahil sa problema sa mali o late accommodation o late na sila nakuha mula sa paliparan
Nagreklamo ang football teams ng Myanmar at Timor-Leste dahil sa matagal nilang paghihintay sa airport pagkatapos ay nadala pa sila sa maling hotel.
Ang Thailand football team naman ay nagreklamo na hindi handa ang kanilang mga tutuluyang mga kwarto sa hotel. Malayo rin ito sa practice venue nila.
“We sincerely apologize to our athlete guests from Timor-Leste, Myanmar and Cambodia for the inconvenience caused to them by the confusion regarding their transportation and hotel arrangements,” pahayag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa isang kalatas.
“While PHISGOC strives to ensure proper coordination of the arrival details, airport welcome and transportation provisions of all international teams to their respective assigned hotels, we acknowledge our shortcomings in this particular incident and vow to do better,” dagdag nito.
Sinabi ng PHISGOC, na napadala nila ang Timor-Leste team sa malapit na Hotel Jen, nang mali silang madala sa Century Hotel.
“As to the Cambodian football team, their change in arrival details was relayed late to the PHISGOC Games Services Department,” sinabi ng PHISGOC.
“Instead of the arrival time initially relayed to PHISGOC, the Cambodian team arrived in NAIA at 4AM. Transportation was immediately provided, but since their hotel rooms were not yet available because the standard check-in time is 2PM , PHISGOC requested that the team be allowed to wait at an air-conditioned private hotel conference room with tables and chairs where the members could rest and feel comfortable while waiting for their rooms,” sinabi pa nito.
Sinabi naman ng PHISGOC na walang naging problema sa pagdating ng ibang mga kalahok.
Ang football tournament sa SEA Games sa Lunes, habang ang event ay magbubukas ng November 30.
143