SPECIAL AWARD KINA RAVENA, ANIMAM AT AQUINO

TATANGGAP sina Jack Danielle Animam, ang kanyang kahanga-hangang coach sa National University na si Patrick Aquino at si Ateneo stalwart Thirdy Ravena ng special awards sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Manila Hotel Centennial Hall.

Si Ravena ang Mr. Basketball, habang sina Animam at Aquino ang unang awardees bilang Ms. Baskeball at Coach of the Year ng oldest media organization.

Silang tatlo ay bahagi ng mahabang listahan ng honor roll. Una sa listahan ang 2019 Athlete of the Year Team Philippines sa parangal na gaganapin sa Marso 6 at ipiprisinta ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at AirAsia.

Sina Animam at Aquino ay bahagi ng undeafeated National U Lady Bulldogs, kung saan naibulsa nito ang ikaanim na sunod na UAAP title bunga ng 16-0 record, bukod pa sa pagtala ng ika-96 sunod nitong panalo sa loob ng anim na taon.

Bahagi rin si Aquino ng Gilas Pilipinas women’s 5-on-5 at 3×3 teams na sumikwat ng gold medals sa nakaraang 30th SEA Games.

Instrumento naman si Ravena sa 16-0 campaign ng Ateneo Blue Eagles nang angkinin ang UAAP Season 82 men’s basketball crown, kung saan tinanghal siyang Finals MVP.

Ikatlong sunod na korona iyon ng Ateneo.

Si Ravena ay kasama rin sa 12-man roster ng Gilas Pilipinas na lumaro sa final window ng 2019 FIBA World Cup qualifiers bilang nag-iisang collegiate player sa line-up. (VT ROMANO)

208

Related posts

Leave a Comment