LARO NGAYON:
(FILOIL FLYING V CENTRE)
12:00 P.M. – EAC VS CSB (MEN)
2:00 P.M. – MAPUA VS PERPETUAL (MEN)
4:00 P.M. – SSC-R VS JRU (MEN)
(PHOTO BY MJ ROMERO)
RARATSADA na ang kampanyang makabawi ng San Sebastian sa pagharap sa Jose Rizal University ngayon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Ibabandera ng kanilang 1-2 punch na sina RK Ilagan at Allyn Bulanadi, ang Stags ay determinadong magamit ang kanilang off-season buildup sa larong magsisimula ng alas-4:00 ng hapon laban sa Bombers.
Sa alas-2:00 naman ng hapon ay magtatapat ang University of Perpetual Help System Dalta at Mapua, habang ang College of Saint Benilde at Emilio Aguinaldo College ay maglalaban sa alas-12:00 ng tanghali.
Sa kabila ng pagkawala sa line up ng last year’s MVP na si Prince Eze matapos itong grumaduate na, ang Altas ay handang sumagupa sa kahit sino para matupad ang ikalawang sunod na Final Four appearance.
Dahil impresibo ang PBA D-League campaign, nakatuon ang lahat sa San Sebastian, partikular sa magiging performance nina Ilagan at Bulanadi.
Pero, para kay coach Egay Macaraya, nangangamba siya na baka umasa ang Stags kina Ilagan at Bulanadi, samantalang may sapat na materyales ang koponan para makahirit ng semis spot.
Pagkakataon naman ito ni Ilagan para bumawi sa koponan, matapos ma-forfeit ang dalawang laro ng Stags sa first round bunga ng ‘ligang labas’ isyu.
Mula naman sa 3-15 noong nakaraang taon, umaasa ang JRU na makakabawi na sila sa ilalim ng bagong coach nitong si Louie Gonzales, na apat na taong nasa bench ng De La Salle sa UAAP.
Ang anim na koponang sasalang ngayon ay aasang makakasama sa mga opening day winners na San Beda at Lyceum.
126