STEPH CURRY: NBA 3-POINT KING

PORMAL na inangkin ni Stephen Curry ang titulong “NBA 3-Point King” nang higitan ang isang dekadang record sa ­3-pointers ni Ray Allen, Martes (Manila time) sa Madison Square Garden, New York.

Naipasok ni Curry ang kanyang 2,974th 3-pointer sa nalalabing 7:33 sa first quarter ng game ng ­Golden State kontra New York Knicks, na pinagwagihan ng Warriors sa iskor na 105-96.

”I thought the night was perfect. It just pretty much encapsulated who he is and his reaction to it was perfect,” sabi ni Warriors coach Steve Kerr, na agad tumawag ng timeout matapos ang record shot ng superstar player para makapag-celebrate ito kasama ang ngayo’y 3-point top 2 at 3 na sina Allen at Reggie Miller, mga magulang na sina Dell at Sonya Curry, buong team at nagbubunying fans.

Si Curry, may 22 points sa panalo kontra Knicks, sa kasalukuyan ay may average na 5.4 3-point per game at hawak ang halos lahat ng made threes record sa bawat season sa loob ng isang dekada.

Kaya tantiya ng kanyang teammate at kaibigang si Draymond Green, ­maaaring umabot sa 4,000 ang 3-pt record ni Curry bago ito tuluyang magretiro sa NBA.

”Steph is the best to ever shoot a basketball and we get the opportunity to go to work with him every day and it’s a very special thing,” wika ni Green patungkol sa two-time MVP.

Nag-ambag si Jordan Poole ng 19 points at nine rebounds, habang may eight points, 11 rebounds at seven assists si Green sa Warriors.

Muling naglaro si ­Andre Iguodala, absent ng 13 games dahil sa right knee soreness, at nagtala lang ng two points sa 14 minutong paglalaro.

Umiskor naman si Julius Randle ng 31 points, Derrick Rose 15, at 14 si Alec Burks para sa Knicks, na walang RJ Barrett, Obi Toppin at Quentin Grimes dahil sa NBA’s health and safety protocols.

Sunod na makakalaban ng Warriors ang Boston sa Biyernes, at Huwebes ay tutungo ang Knicks sa Houston.

Sa iba pang laro, tinalo ni Kevin Durant at Brooklyn Nets ang Toronto Raptors, 131-129; dinaig ni Chris Paul at Phoenix Suns ang Portland Trail Blazers, 111-107; habang postponed ang game sa pagitan ng Detroit Pistons at Chicago Bulls.

5

Related posts

Leave a Comment