SUNS, UNA SA 20 WINS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

SA pagtrangko ni Chris Paul, may 21 points at 10 assists, habang si Jae Crowder ay nagtala ng season-high 19 points, inilista ng Phoenix Suns ang 108-104 win kontra San Antonio Spurs, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa Arizona.

Maraming naging highlights sa laro ang tila hindi tumatandang si Paul sa huling minuto, para tulungan ang Suns maging unang team na nakapagtala ng 20 wins ngayong season.

Ang 36-anyos na si Paul ay nagparamdam sa depensa, nang agawin ang bola sa pa-drive na si Dejounte Murray, iiskor na sana sa fast break, 1:30 na lang, at maibaba sa isa ang abante ng Phoenix.

Sa halip, pinatalsik ni Paul ang bola mula kay Murray.

Humirit din ang 11-time All-Star ng 16-foot jumper at ­nakakuha pa ng foul, at naipasok ang free throw ng kanyang three-point play at 108-102 lead ng Suns.

Unang laro ito ng Phoenix matapos na ang franchise-record 18-game winnings treak ay putulin ng Golden State Warriors noong Biyernes. Pero hindi natinag ang Suns, at itinala ang ika-19 win sa sumunod na laro.

Naputol din ang four-game winning streak ng Spurs. Lahat ng starters ng San Antonio ay may double figures sa pangunguna ni Murray, 17 points. Nagdagdag din si Bryn Forbes ng 15 points off the bench.

Umabante ang Suns ng 16 points sa dulo ng third quarter, pero natapos sa 79-70 papasok sa fourth.

Humabol ang Spurs hanggang mag-3 points si Doug McDermott, 6:10 at itabla ang iskor sa 88-all.

Nanatiling dikit ang laro, pero tangan ng Suns ang driver’s seat.

Si Cam Johnson, may 13 points, humirit ng corner ­3-pointer, 1:10 na lang at itinulak ang iskor sa 103-97. May 13 points din si JaVale McGee, off the bench.

SIXERS NAKAUNGOS
SA HORNETS

NAGTALA si Joel Embiid ng season-high 43 points, 15 rebounds at seven assists nang ungusan ng Philadelphia 76ers ang short-handed Charlotte Hornets, 127-124 sa overtime game, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa North Carolina.

Sa kanyang pagbabalik mula sa one-game absence sanhi ng sakit, si Tobias Harris ay ­nag-­sumite ng 21 points at 11 rebounds, sa pagtala ng 76ers ng 52.9% shot (field) at nagawang mahablot ang back-to-back wins, unang pagkakataon mula noong Nobyembre 4-6.

Habang si Kelly Oubre Jr. naman ang nanguna sa Hornets, 35 points at may anim na 3-pointers, pero nagmintis sa tres sa pagtatapos ng overtime, na dapat sana’y panabla at magdala sa laro sa ikalawang overtime.

Wala sa lineup ng Charlotte sina Lamelo Ball, Terry Rozier at Mason Plumlee sanhi ng NBA health and safety protocols.

Makalipas ang dikitan at ­back-and-forth fourth quarter, naitabla ni Embiid ang laro mula sa kanyang 18-footer sa huling 29.4 seconds.

Mintis si Miles Brdiges sa kanyang step-back 3 habang papa­ubos ang oras sa susunod na posesyon ng Charlotte, na nagbigay ng tsansa sa Sixers na tapusin ang laro sa regulation. ­Subalit, hindi pumasok ang fall-away jumper ni Embiid.

Iniskor ni Embiid ang anim sa walong puntos ng Philadelphia sa overtime. Angat ang 76ers ng tatlo nang ma-turnover ni Shake Milton ang bola sa inbound pass malapit sa half court, 12.7 ­seconds na lang.

Tumawag ng timeout si Hornets coach James Borrego, ­subalit, na-out of bounds ang bola sa huling 6.4 seconds.

Muling sinubukan ng Charlotte makaiskor at ibinigay ang bola kay Oubre, tumira ng ­3-pointer mula sa top-of-key, pero dinilaan lang ng bola ang back iron, tumalbog sa ere, muling dumapo sa ring pero tumalsik.

Nakuha ni Embiid ang rebound para selyuhan ang panalo ng 76ers.

Muling magtatagpo ang dalawang koponan sa Miyerkoles sa Charlotte pa rin.

GRIZZLIES WAGI
SA HEAT

Sa Miami, umiskor sina Dillon Brooks at Desmond Bane ng tig-21 at inakay ang Memphis Grizzlies sa 105-90 win kontra Heat..

Ikalimang sunod na panalo iyon ng Memphis nang wala ang leading scorer na si Ja Morant, may left knee injury natamo laban sa Atlanta noong Nobyembre 26.

Wagi rin ang defending champion Milwaukee Bucks laban sa Cleveland Cavaliers 112-104. Habang nagtala ang Oklahoma City Thunder ng 114-103 win kontra Detroit Pistons.

Namayani ang Indiana ­Pacers sa Washington Wizards, 116-110, habang panalo ang Atlanta Hawks laban sa Minnesota Timberwolves, 121-110.

DEROZAN LATEST
SA COVID LIST

BIGLANG preno ang career season ni DeMar DeRozan ng Chicago Bulls.

Ang dahilan? COVID-19.

Ayon sa ulat ni ESPN’s ­Adrian Wojnarowski nitong Lunes (Martes sa Manila), si DeRozan, na fully vaccinated, ay inilagay sa NBA’s COVID-19 health and safety protocols at hindi nakalaro laban sa Denver Nuggets kinagabihan.

Inilalagay ang mga players sa health and safety procotols, kung magpopositibo sa virus o kaya’y may close contact na infected person.

Unang absent ni DeRozan sa season. Nakuha ng Bulls sa three-year, $85 million sign-and-trade mula San Antonio Spurs, nagpamalas ng excellent performance si DeRozan sa Chicago, may 16-8 record. Nag-aaverage siya ng 26.4 points, 5.3 rebounds at 4.1 assists kada laro at may shooting na 49.8% sa field.

Bago ang laro nitong Lunes, si DeRozan ang nahirang na Eastern Conference Player of the Week bunga ng 3-0 stretch ng Bulls, kung saan nagtala siya ng averaged 30.3 points per game.
Nauna nang nilagay sa health and safety protocols ang mga kakampi ni DeRozan na sina Coby White at Javonte Green.

‘NO CHOICE’ SA DESISYON NG KNICKS

HINDI naging maganda ang ­simula ni Kemba Walker sa New York Knicks.

Matapos ibangko at tuluyang alisin sa Knicks’ rotation, aminado si Walker, wala siyang maisip kung ano ang kasunod nito.

“It was tough, obviously, because as a competitor, I love to play basketball,” lahad ni Walker nitong Lunes (Martes sa Manila) via New York Post. “I love to be on the court. This is the first time this has happened to me in my career, pretty much on any level. But at the end of the day, I have respect for Coach Thibs and the decision he made. It might not have been an easy one, but it was a choice he made. I have no choice but to live with it.”

Ibinangko ni coach Tom Thibodeau si Walker, dahil iyon daw ang makabubuti sa team. At ­inalis pa sa rotation bago ang laro kontra Brooklyn Nets noong nakaraang linggo. Pinalitan siya ni Alec Burks sa starting lineup.

Lumagda ang 31-anyos na si Walker ng two-year, $18 million deal sa Knicks bago nagsimula ang season.

“It’s a tough decision to make, but you have to do what’s best for the team,” wika naman ni coach Thibodeau. “I view Kemba as a starter, and so it would be tough to play three small guards

together … I’ve got great respect for who Kemba is as a person and all that he’s accomplished in the league. But I have to do what’s best for the team.”
Walang nakakaalam sa susunod na mangyayari kay Walker.

Gayunpaman, kahit nakaka-frustrate ang sitwasyon, sinisikap ni Walker na maging positibo, hangga’t nasa Knicks siya, kahit pa nga nasa bench lang.

“I could be pissed. I could be upset,” komento pa ni Walker. “But at the end of the day, there’s some young guys here who look up to me. I’m pretty sure they wanted to see how I reacted to the situation. Anybody on my team down the line can be in the same situation. Maybe I can be a role model in that aspect.”

Dagdag pa niya: “It was tough, but at the end of the day, it’s just not about me. I’m a team guy first, I’ve always been — you can ask anybody who I’ve ever played with. I’ve always been a team guy first. I love being around my teammates. I’m going to cheer them on until I can’t anymore. That’s what it’s about.”

3

Related posts

Leave a Comment