TAPATAN NG PETRON, F2 SA FINALS; HAHARANGIN NG CIGNAL

(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO)

LARO NGAYON:

(FILOIL FLYING V CENTRE)

7:00 P.M. – PETRON VS CIGNAL

AGAWAN sa huling finals spot ang kampeon na Petron at palabang challenger na Cignal ngayon sa do-or-die semis duel ng 2019 PSL All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Sisiklab ang aksyon sa alas-7:00 ng gabi na ang makakalusot ay aabante sa best-of-three championship kontra sa nag-aabang na F2 Logistics.

Nauna na nang nakasikwat ng Finals ticket ang Cargo Movers nang ipagpag nito ang Foton kamakalawa sa Muntinlupa Sports Center.

Iyon din sana ang hangarin agad ng two-time champion na Blaze Spikers bago nga masilat ng HD Spikers sa limang sets, 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11 sa parehong venue.

Dahil dito ay nalustay ng Petron ang twice-to-beat advantage nito bilang top seed at hinayaan sa Cignal ang momentum papasok sa sudden-death semis clash.

“We came here with nothing to lose to the pressure is now on Petron,” ani Cignal head coach Edgar Barroga matapos ang kanilang comeback win.

Naiwan na sa 1-2 set deficit ang Cignal noon at nasa bingit na ng kamatayan nang naghahabol pa sa 15-21 sa kalagitnaan ng fourth set.

Subalit hindi ito sumuko sa pangunguna nina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga na pinangunahan ang kanilang pambihirang 12-4 closeout upang nakawin ang fourth set, 27-25, na siyang nabigay daan nga sa kanilang dominanteng 15-11 fifth set win.

Upang makaulit ng panalo na maglalagay sa kanila sa kanilang unang All Filipino Finals appearance, aasa si Barroga kina Alohi Robins-Hardy, Mylene Paat at Ranya Musa upang suportahan sina Daquis at Gonzaga.

Haharang naman sa kanila ang mapaghiganting Petron na sigurang gutom makabawi matapos madiskaril ang pagpasok sa kanila sanang ikatlong sunod na All Filipino Finals stint at 13th overall sa kasaysayan ng PSL.

“We have to accept that loss and move on. It’s not yet over for us. We can still bounce back and finish the job,” ani naman ni head coach Shaq Delos Santos na sasandal kina Mika Reyes, Rem Palma, Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo Pontillas at kapitang si Ces Molina.

 

 

171

Related posts

Leave a Comment