TESTING KAY “WONDER BOY”

Ifugao Wonder Boy Carl Jammes Martin.

SPORTS CHATHINDI dapat maliitin ang record ng susunod na kalaban ni Ifugao Wonder Boy Carl Jammes Martin.

Matapos ang posts ng mga well-known boxing vloggers Powcast at Pinoy Boxing Prodigy ukol sa next schedule ni Wonder Boy, marami naman ang na-excite na makakaharap si Martin ng isang beteranong boxer.

Ang 29-anyos na si Renoel Pael ang makakasagupa ni Martin sa isang 10-round title fight para sa Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight title fight sa isang free-to-the-public boxing card sa susunod na buwan sa Mandaluyong City.

May iilan naman ang duda sa kakayahan ni Pael dahil nakalalasap na ito ng 11 losses kumpara sa malinis na 15-0 win-loss slate ni Martin, 14 natapos via knockout.

Ngunit dapat maintindihan ng mga kritiko na sa 11 talo ni Pael, hindi pa ito nakalalasap ng knockout loss.

Kabilang sa mga nakalaban ni Pael ay sina world-ranked Andrew Moloney at Renz Rosia na kamakailan lang ay tinalo si former world title challenger Aston Palicte.

Kasalukuyang may record na 23-11-1 si Pael, 12 natapos via knockout kaya hindi maaring alipustain ang 35-fight experience ng Leyte-native boxer.

Isa pa sa alinlangan ng mga fight observers ay natalo na ng tatlong sunod si Pael sa lahat ng tatlong laban nito noong 2009.

May 2019 ang yumukod si Pael kay Japanese Ryusei Kawaura bago ito nakalasap ng split decision loss kay Philippine bantamweight kingpin Giovanni Escaner noong Agosto.

Muling dumayo si Pael sa Japan noong December ngunit malas pa din ito nang talunin siya ni local boy Tatsuya Takahashi.

Ayon kay trainer Brix Flores, sa tatlong nasabing laban, dapat na nanalo sila sa laban kay Escaner at Takahashi dahil sa tingin niya ay mas maraming magandang patama si Pael sa nasabing mga laban.

Ito din ang pananaw ni Cebuano trainer Julius Erving Jungco na dating trainer ni former world champion Jhack Tepora na sa tingin niya ay Philppine champion na dapat si Pael.

Samantala, may 94% KO percentage si Martin ngunit may iba pa din ang naniniwala na mga de lata lamang ang pinabagsak ng Hingyon, Ifugao-born pugilist.

Ito na marahil ang dahilan kung bakit si Pael ang pinili ng manager-sister ni “Wonder Boy” na si Jing Martin, para mapatunayan na kaya nilang magpabagsak ng mga tigasin na boxer na katulad ni Pael.

Gaganapin ang Martin-Pael title bout sa February 22 sa Mandaluyong High School Gym sa Mandaluyong City.

244

Related posts

Leave a Comment