NALUSUTAN ng Philippine baseball team ang isa sa pinakamalakas na karibal nang pasadsadin ang Thailand, 3-2, sa buwenamanong hatawan sa baseball event ng 30th Southeast Asian Games sa Day 3 sa Field 1 ng Clark Freeport Zone, Pampanga.
Unang nagpadausdos ang Thai batters, may limang malakas na Thai-American players, sa ituktok ng unang inning na sinagot naman ng 3-runs ng Pinoy sa bottom second.
Lumutang ang husay sa mound nina Pinoy pitchers Francis Geizmundo na pumukol ng 8 innings at isa naman kay Miguel Salud upang hindi na makaporma ang kalaban, na nakaisang run lang sa top 8th inning.
“Thailand team has 4-5 Thailand -American players so they are strong. Despite their dangerous lineup we managed to win (3-2),” sinabi ni PH baseball coaching staff Keiji Katayama, isang Japanese national na nakabase na sa Pilipinas.
“Francis (Geizmundo) and Miguel (Salud) had a good pitch, ” na magandang simula umano sa gold hunt ng Philippine baseball team.
Susunod na makakatunggali ng Pilipinas ang Cambodia, ayon kay PABA secretary- general Pepe Muñoz.
Inaabangan naman ang klasikong hatawan ng isa pang mahigpit na kalaban ng Pilipinas na Indonesia sa Disyembre 6, bago ang baseball finals sa Disyembre 8 sa Field 2 ng Clark Freeport.
135