TINALON NI EJ OBIENA 2ND GOLD SA GERMANY

NAIBULSA ni world No. 3 EJ Obiena ang pangalawang gintong medalya sa Germany sa loob lang ng halos isang linggo.

Nakuha ng Asian pole vault ­record holder ang latest win sa True Athletes Classic sa ­Leverkusen, Germany matapos makumpleto ang 5.81 meters.

Napantayan ito ng second at third placer na sina Rutger ­Koppelaar ng Netherlands at ­Kurtis Marschall ng Australia, ­ngunit napunta ang gold kay Obiena sa pamamagitan ng ‘countback’.

Ilang araw pa lang ang nakararaan nang nanguna rin ang 26-anyos na si Obiena sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim matapos magtala ng 5.81m.
Sinubukan ni Obiena magtala ng bagong personal best subalit tatlong beses siyang nabigo sa 5.95-m mark.

Hindi ito ang unang medalya ni Obiena ngayong taon, nag-bronze sa World Athletics Championships sa Oregon noong nakaraang buwan at nakapag-set ng bagong Asian record, 5.94m. (VT ROMANO)

18

Related posts

Leave a Comment