UAAP RECORD SINIRA NG UP; ATENEO DUMIKIT SA 3RD TITLE

WAGI ang University of the Philippines sa day competition, subalit nananatiling abot-kamay ng Ateneo ang paghablot sa ikatlong sunod nitong titulo matapos ang ikatlong araw ng

UAAP Season 82 Women’s  Swimming Championships, Sabado, sa Trace Aquatic Center sa Los Banos, Laguna.

Ang Lady Maroons ay nakakulekta ng 137 points nitong Sabado. Ngunit, abante pa rin ang Ateneo sa kabuuang hawak na 343 points kumpara sa 293 ng UP.

Nangibabaw sa UP ang UAAP record-breaking performance nina Janna Taguibao, Alyssa Pogiongko, Ariana Canaya, at Angela Villamil sa 200m freestyle relay sa oras na 1:53.19. Winasak ng koponan ang anim na taong record ng Ateneo na 1:54.09.

Ang Ateneo relay team ay nagsumite ng oras na 1:54.47 habang pumangatlo ang UST

(1:58.26).

Si UP rookie Erin Castrillo ay nagbulsa ng dalawang gold medals sa 50m butterfly (28.19) at 100m backstroke (1:06.32).

Nananatili namang walang talo si MVP race leader Chloe Daos ng Ateneo, matapos kumulekta pa ng dalawang ginto sa 200m freestyle (2:11.86) at sa 400m individual medley (5:11.58).

Bukod kay Daos, nagkaloob din ng gold medal sa Lady Eagles si super-rookie Rona Lalimo na kumukelta din ng ikalawa niyang ginto sa 100m breaststroke (1:19.64), kung saan pumangalawa ang pambato ng La Salle na si Nichole Evangelista (1:20.20) at pumangatlo ang kakamping si Jazmin Chua (1:20.30).

Nasa likod ng Ateneo sa paghahabol sa kampeonato ang La Salle (165 points) at nakaupo sa pangatlo ang UST (74).

 

 

155

Related posts

Leave a Comment