UAAP SEASON 81 FENCING: UE DUMIKIT SA MEN’S CROWN, ATENEO UNGOS SA WOMEN’S

TATLONG gintong medalya agad ang natusok ng University of the East sa unang dalawang araw, upang dumikit sa pagpapanatili ng men’s championship ng UAAP Season 81 fencing tournament sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

Habang ang gold ni Maxine Esteban sa individual foil at saber events ang naglagay sa Ateneo sa unahan ng women’s division.

Inangkin ni CJ Concepcion ang individual saber gold, habang si last year’s MVP Sammuel Tranquilan ay ibinulsa ang individual epee gold noong Huwebes sa opener.

Nakatuon sa ikapitong sunod na korona, ang Red Warriors ay nakapagtala ng 3-of-3 win noong Biyernes nang manguna rin si Tranquilan sa individual foil event.

Sina Tranquilan at Concepcion din ang nagkaloob ng dalawang silver ng UE sa individual saber at foil categories.

Nasa second place ang De La Salle na may silver at bronze medal, habangmay tatlong bronzes ang Ateneo para maupo sa third spot.

Ang isa pang Lady Eagles medalist ay si Patricia Beatriz Paolo na humugot ngbronze sa individual foil.

Pumapangalawa ang University of Santo Tomas nang magwagi si Marielle Peralta ng ginto sa individual epee at dalawang bronze mula kina Mira Dorimon sa individual epee at Cherie Manago sa individual saber.

Nasa third place ang Lady Warriors na may two silver at two bronze medals.

Sa juniors division, halos abot-kamay na rin ng UE ang titulo matapos magposte ng 3-1-3 (gold-silver-bronze) haul sa girls at 2-2-1 tally sa boys side.

5

Related posts

Leave a Comment