UAAP Season 81 men’s football: UST KAKAPIT NANG MAHIGPIT

football

Mga laro ngayon:

(FEU-Diliman)

9:00 a.m. – Ateneo vs FEU (Men)

1:00 p.m. – AdU vs DLSU (Men)

3:00 p.m. – UST vs NU (Men)

 

PAGKAPIT ng mahigpit sa tuktok ang tangka ng University of Santo Tomas sa pagsagupa kontra National University ngayon sa UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Alas-3:00 ng hapon ang laro ng Growling Tigers at Bulldogs.

Unang maghaharap sa alas-9:00 ng umaga ang Far Eastern University at Ateneo, na pipiliting makabawi mula sa opening match loss nito sa kamay ng University of the East.

Habang magtatagpo sa ala-1:00 ng hapon ang Adamson University at De La Salle.

Ang last season runner-up na UST, may apat na puntos, ay maagang nagparamdam sa torneo, nang umiskor ng 3-1 kontra Green Archers, bago ang 1-1 draw laban sa Falcons.

Tumabla rin ang NU, 1-1 laban sa Adamson noong Linggo.

Inaasahang maraming mag-aabang sa Adamson, kung papaano nito maipagpapatuloy ang fighting form matapos makakuha ng puntos sa unang dalawang laro. Noong nakaraang season ay bokya ang Adamson.

Hangad naman ng De La Salle na makaresbak mula sa 0-2 loss sa kamay ng UST. (VTR)

6

Related posts

Leave a Comment