UAAP Season 84 men’s basketball 3rd STRAIGHT WIN TARGET NG UST

ASAM ng University of Santo Tomas Growling Tigers na ipagpatuloy ang pagragasa sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa naka­takdang duwelo nila ngayon (Martes) ng De La Salle University Green Archers sa Mall of Asia Arena.

Unang aaksyon sa quadruple-header games, sa pagbabalik ng fans sa venue, ang Growling Tigers at Green Archers sa alas-10 ng umaga.

Kasalukuyang may 2-2 win-loss record ang UST, habang isa pa lang ang talo ng La Salle, 3-1.

Nitong Sabado ay nakuha ng Tigers ang back-to-back wins nang lapain ang Adamson University ­Soaring Falcons, 79-72, sa pamumuno ni rookie guard Paul Manalang, na kumamada ng 15 points, 5 assists at 3 rebounds.

Nadungisan naman ang marka ng Green Archers nang tumiklop sa defending champ Ateneo de Manila University Blue Eagles, 57-74.

Sa iba pang games ngayon,  maghaharap ang UP Fighting Maroons (3-1) at Adamson Soaring ­Falcons (1-3) sa ala-una ng tanghali; FEU Tamaraws (1-3) kontra wala pang panalong UE Red Warriors (0-4) sa alas-4 ng hapon; at NU Bulldogs (2-2) kontra ­imakuladang Blue Eagles (4-0) sa alas-7 ng gabi. (ANN ENCARNACION)

85

Related posts

Leave a Comment