UAAP Season 84 men’s basketball GREEN ARCHERS RUMESBAK

INSPIRADO sa pagbabalik ng fans sa Mall of Asia Arena, umiskor ang De La Salle University kontra University of Santo Tomas, 75-66, kahapon sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.
Mula sa pagkatalo sa Ateneo de Manila University noong Sabado, agad nakabalikwas ang Green Archers para sa 4-1 win-loss record at second spot sa team standings.

Natapos naman sa two-game winning run ang Growling Tigers na ngayon ay may 2-3 slate.

Rumemate ang La Salle sa first quarter pa lang nang mag-init si ­Emman Galman at pumukol ng back-to-back treys bago ang ­finger-roll basket ni Deschon ­Winston para sa 17-2 run at 21-7lead kontra UST.

Pinasimulan ni Nic Cabañero ang 7-0 spurt ng Tigers para bahagyang makalapit sa kalaban, 21-14.

Ngunit agad bumawi ang Green Archers at pinalobo sa 17 points ang kalamangan sa tulong nina Kurt Lojera at Cyrus Austria, 42-25.

Nagsilbing sparkplug ng ­Growling Tigers off the bench si Bryan Santos na kumonekta ng ­dalawang long-range baskets upang maibaba ang abante ng Green Archers sa 11, 52-63, sa nalalabing 8:44 minuto.

Muling nag-takeover si Ca­bañero at katuwang si Joshua Fontanilla ay naibaba pa sa single digit ang deficit, 56-65.

Ngunit ‘di nagpaawat si Ben Philips, na naging malaking hadlang para makadikit ang Tigers.

Sa last three-minute mark ay natawagan si Evan Nelle ng ‘unsportsmanlike foul’ na nagresulta sa four points para muling bumaba sa single digit ang deficit ng Tigers, 62-71.

Subalit tuluyang tinuldukan ng crucial baskets nina Justine Baltazar at Nelle ang pag-asa ng UST na mabaligtad ang resulta ng laro.

UP SOSYO SA 2ND

NAKISIKSIK sa second place ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons matapos makatakas sa Adamson University Falcons, 73-71.

Dahil sa panalo, kapwa may 4-1win-loss record at tabla na ang UP at De La Salle University sa second spot.

Ito naman ang ikatlong sunod na talo ng Adamson na bumulusok sa 1-4 record.

Nanguna para sa Maroons si Zavier Lucero sa naitalang game-high 20 points, five boards at four assists, habang si Maodo Diouf ay may double-double 16 points at 15 rebounds.
Dikit ang laban ng dalawang koponan hanggang sa final period nang umangat lang ng dalawa ang UP, 55-53.

Umiskor si Jerome Lastimosa ng four straight points sa pagsisimula ng fourth period para agawin ang lamang, 55-57, pabor sa ­Adamson.

Ngunit nagtres si Carl Tamayo at umiskor din si Joel Cagulangan para muling kunin ng UP ang ­driver’s seat, 60-57.

Muling bumawi ang Adamson sa pamamagitan nina Vince Magbuhos at Lenda Douanga upang umabante ng isa ang Adamson, 62-63. Subalit muling gumanti ang UP ng quick 5-0 run, 68-62.

Pumukol ng tres si Ricci Rivero ng UP sa nalalabing 1:30 minuto, ngunit sinagot din ito ng tres ni Ahmad Hanapi ng Adamson, bago ang crucial layup ni Joshua Yerro sa huling 31 seconds, 73-71.

Nanguna para sa Falcons si Lastimosa, na may 18 points at six rebounds, habang nag-ambag si Douanga ng 16 markers at 14 rebounds.

119

Related posts

Leave a Comment