UAAP Season 85 women’s basketball championship NU NAMUMURO

Ni ANN ENCARNACION

DINOMINA ng National University (NU) ang De La Salle University (DLSU), 93-61, sa Game 1 ng UAAP Season 85 women’s basketball finals, kahapon ng hapon sa Araneta Coliseum.

Matatandaang tinuldukan ng DLSU ang historic 108-game winning streak ng NU (simula 2013) noong Nobyembre 23, sa 61-57 overtime win.

Ngunit nitong Miyerkoles ay tiniyak ng Lady Bulldogs na walang magaganap na ‘upset’ nang sa second quarter pa lang ay umalagwa na ng hanggang 33 puntos.

Nagpasimula sa 18-4 atake si NU’s Mikka Cacho, nagsalansan ng 16 points on 5-of-7 shooting, four rebounds at three assists sa loob lang ng 18 minuto.

Nagdagdag si Rhocel Bartolo ng 12 points, at si Angel Surada ay may 10 points at seven rebounds sa 15 minuto, habang nagtala ng 56 puntos ang NU bench.

Na-convert ng Lady Bulldogs sa 32 points ang 21 turnovers ng Lady Archers. Nagtala rin ang NU ng 50.7% from the field kasama ang 13 of 39 three-pointer, ­kumpara sa 32.3% lang ng DLSU.

Nanguna sa Lady Archers si Fina Niantcho Tchuido na may 18 points at 15 rebounds, habang si Charmaine Torres ay may 14 at 11 mula kay Bettina Binaohan.

Maaaring tapusin na ng NU ang best-of-three series sa Linggo sa Mall of Asia Arena, at kung sakali ito ang magiging seventh consecutive UAAP women’s title ng Lady Bulldogs.

NU 93 — Cacho 16, Bartolo 12, Surada 10, Clarin 8, Edimo Tiky 8, Cayabyab 7, Pingol 6, Villareal 6, Betanio 5, Solis 5, Fabruada 4, Canuto 3, Dimaunahan 3, Ico 0.

123

Related posts

Leave a Comment