UAAP women’s basketball NU WAGI SA UST

NALAMPASAN ng National University ang hamon ng University of Santo Tomas sa 78-75 win sa UAAP women’s basketball tournament, Linggo sa Araneta Coliseum.

“Akala ko maraming laban ang UST ngayon. Binigyan nila kami ng hirap. But again, credit to my girls for staying the game and ­eventually winning the game,” sabi ni Lady Bulldogs Coach Aris Dimaunahan.

Nanguna si Ann Pingol sa NU sa kanyang 14 puntos, habang si Camille Clarin ay nagtala ng 13 puntos at anim na assist ngunit may anim na turnovers.

Si Angel Surada naman ang nanguna sa pag-atake ng Lady Bulldogs sa payoff period para sa total 11 points, at pang-99 panalo ng koponan.

Si Eka Soriano ay kumamada ng almost triple-double para sa Growling Tigresses sa kanyang 18 puntos, siyam na rebounds, at siyam na assist, dagdag pa ang tatlong steals.

Nag-ambag si Tacky Tacatac ng 18 puntos din, habang may 12 si Joylyn Pangilinan.

Target ng NU ang 100th victory sa Miyerkoles, 3 p.m., laban sa University of the Philippines sa UST Quadricentennial Pavilion.

Susubukan namang makabawi ng UST laban sa Ateneo de Manila University sa ala-1 ng hapon. (ANN ENCARNACION)

13

Related posts

Leave a Comment