UST, 2-0; UE, ADAMSON TABLA

MULA sa dikitang 11-10 lead, rumatsada ang four-peat seekng UST Tigresses matapos ang technical timeout nang magtala ng limang sunod na puntos ang tambalan nina Babylove Barbon at Gen Eslapor, para talunin sina Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal, 21-13, 21-11 tungo sa ikalawang sunod na panalo sa women’s division ng UAAP Season 82 Women’s Beach Volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.

Ang last year’s runnerup De La Salle at Far Eastern University ay nanatili ring undefeated matapos ang dalawang laro.

Tinalo nina Lady Spikers’ Tin Tiamzon at Justine Jazareno ang tambalan nina Adamson University’s Kring Uy at Chen Ave, 19-21, 21-18, 15-12.

Nanaig naman ang Lady Tamaraws na sina Sheena Gallentes at Shiela Mae Kiseo laban kina University of the Philippines’ Rosie Rosier at Euri Eslapor, 21-18, 21-23, 15-12.

Umiskor din ng panalo sina Lyen Ritual at Juliet Catindig ng University of theEast laban kina National University’s Andrea Abrian at Chlea de la Fuente, 21-9, 21-17.

Ang Lady Warriors ay katabla ng Lady Falcons, 1-1, habang ang Lady Eagles, Lady Maroons aty Lady Bulldogs ay winless pa makaraan ang dalawang asignatura.

 

125

Related posts

Leave a Comment