W80 Rancho Santa Fe LATVIAN RIVAL WINALIS NI EALA

DINOMINA ni US Open Juniors singles champion Alexandra “Alex” Eala ang nakasagupang si Deniza Marcinkevica ng Latvia, 6-3, 6-1, sa qualifying draw ng W80 Rancho Santa Fe sa California, USA nitong Lunes.

Hindi na umabot ng isang oras ang laban na naging daan upang umusad sa susunod na round ng torneo ang 17-anyos at left-handed na Pinay netter.

Ang 22-anyos na si Marcinkevica ay ranked No. 386 sa Women’s Tennis Association (WTA), habang si Eala ay nasa No. 291

Sunod na makakaharap ng Southeast Asian Games triple bronze medallist at Rafa Nadal Academy scholar ang homebet na si Alana Smith, No.800 sa WTA.

Ito ang ikalawang sunod na torneo ni Eala sa WTA circuit matapos mabigo sa ikalawang round ng W60 Templeton kontra senth seed Katarzyna Kawa ng Poland, 2-6, 6-4, 6-0, noong Setyembre 30. (ANN ENCARNACION)

59

Related posts

Leave a Comment