Warriors nakatakas sa Pacers CURRY, 2 TRES PA SA RECORD NI ALLEN

Ni VT ROMANO

KULANG na lang si Stephen ­Curry ng tatlong tres upang burahin ang record ni Ray Allen (2,973), matapos magtala ng limang 3-pointers at umiskor ng 26 points sa panalo ng Golden State Warriors kontra Indiana ­Pacers, 102-100, Lunes ng gabi sa ­Indianapolis (Martes sa Manila).

Posibleng mabura ni Curry ang record ni Allen sa susunod na laro sa Madison Square Garden sa New York.

Ang near-sellout crowd ay mas interesado sa iuukit na history ni Curry kaysa resulta ng laro, kung saan napapasigaw sa tuwing tatapak si Curry sa 3-point area, gayundin sa tuwing nagda-drive ito sa basket o kaya’y sa tuwing dumidikit siya sa hinahabol na record.

Katunayan, sa huling 90 ­sec­onds, lahat ng nasa loob ng Gainbridge Fieldhouse ay nakaabang.

Nanguna sa Indiana si Domantas Sabonis, 30 points at 11 rebounds, kasunod si Malcolm Brogdon, 23 points, eight assists, pero bigong maprotektahan ang kanilang kalamangan.

Tumapos si Curry na may 5 of 15 beyond the arc, ang huling tres niya ay naglagay sa Warriors sa 100-98 at naitabla niya ang iskor mula sa layup, 48.5 seconds na lang.

Ang putback ni Kevin Looney sa huling 13.8 seconds ang sumira sa tablahang iskor, at nag-turnover ang Indiana sa sumunod na play.

Itinutulak din si Curry ng teammates para sa record, habang ang Pacers naman ay ginagawan ng paraan para hindi makapunta ang Warriors sa 3-point line. Nagresulta ito nang sumablay ang unang pitong attempt ng Golden State sa likod ng 3-point range, hanggang sa wakas ay makahirit si Curry at ayudahan ang 12-0 run na nagbigay sa koponan ng 39-36 lead sa second quarter.

Hindi ito nagtagal nang maging back-and-forth ang laro, na kadalasan ay abante ang Indiana.

Pero, nagsimulang mag-init si Curry sa third period sa kanyang ikaapat na tres at inagaw ng Golden State ng lead, 79-78.

Bumawi ang Indiana nang isara ang quarter via 7-2 run at 84-80 lead.

Lamang ang Pacers sa buong 4th quarter, hanggang bumato si Curry ng magkasunod at ang pampanalong basket ni Looney.

Wala sa bench si Indiana ­Pacers’ coach Rick Carlisle, gayundin si guard Justin Holiday sanhi ng NBA’s health and safety protocols.

Tutungo ang Pacers sa Milwaukee sa Huwebes para sa una nitong road game ngayong Disyembre, habang titipanin ng Warriors para sa ikatlong stop ng five-game trip ang Knicks sa New York.

SA iba pang laro, naitala ng Los Angeles Clippers ang fourth straight win matapos magwagi laban sa Phoenix Suns, 111-95.

Parehong wala ang mga star players ng magkabilang koponan.

Sina Deandre Ayton at Devin ­Booker sa panig ng Suns at sina Paul George at Kawhi Leonard naman sa Clippers.

Nagtala naman ang Houston Rockets ng 132-126 win kontra Atlanta Hawks. Habang wagi ang Toronto Raptors sa Sacramento Kings, 124-101.

Tinalo rin ng Cleveland Cavaliers ang Miami Heat, 105-94, habang namayani ang Memphis ­Grizzlies sa Philadelphia 76ers, 126-91 at ungos ang Denver Nuggets sa Washington Wizards, 113-107.

BUCKS LAMPASO
SA CELTICS

NILAMPASO ng Celtics ang defending champion Milwaukee Bucks, 117-103, kung saan umiskor si Jayson Tatum ng 16 sa fourth quarter mula sa kanyang 42 points, Lunes ng gabi sa Boston (Martes sa Manila).

Nagbalik na rin sa lineup si Jaylen Brown matapos hindi makalaro ng limang araw sanhi ng ‘tight right hamstring’ at umiskor ng 19 points sa 30 minutes para sa Boston. Nagdagdag din si Grant Williams ng 17 points at tig-10 sina Robert Williams at Al Horford.

Nagsumite naman si Giannis Antetokounmpo ng 20 points, eight rebounds at three assists sa Milwaukee, makaraang magtala ng kanyang 26th career triple-double nang talunin ang New York Knicks sa Madison Square Garden, Linggo ng gabi.

May 20 puntos din si Jrue Holiday para sa Bucks, na ikatlong talo pa lang sa 15 laro. Lumabas naman si Khris Middleton bago matapos ang third period bunga ng ­hyperextended left knee.
Galing ang Celtics sa 1-4 West Coast road trip.

Binawasan ng Bucks ang lead ng Boston, 95-86, bandang kalagitnaan ng final quarter, bago ang twisting drive ni Tatum, sinundan ng 3-pointer mula sa kanan, ang nagbigay sa Celtics ng 100-86 edge.

Tuluyang inilayo ni Tatum ang Celtics, nang magkasunod na tres ang ibinato mula sa left corner tungo sa 114-96 count, 2:15 sa laro.

Sa pagbabalik sa TD Garden matapos ang road trip, mabagal ang naging simula ng Celtics, katunayan abante pa ng 12 ang Bucks sa first half, bago naibaba ng Boston sa one point ang lead at tulungang inangkin ang 64-56 advantage via 13-6 surge sa pagsisimula ng second half.

Umabante ng 11 matapos ang tatlong quarters at pinalobo, 90-76 mula sa 3-pointer ni Dennis Schroder, isang minuto pa lang sa fourth.

Hindi agad nakaiskor si Antetokounmpo hanggang sa unang minuto ng second quarter at tumapos na may dalawang basket sa first half.

Hindi maganda ang bagsak ni Middleton sa third period, iika-ikang nagtungo sa locker room at hindi na bumalik sa laro. Umiskor lang siya ng apat at naputol ang kanyang pitong sunod na larong may at least 20 points.

Susunod na haharapin ng Bucks ang Indiana Pacers sa Miyerkoles. Wagi ang Milwaukee sa unang dalawang meeting ng teams sa Indiana.

Makikipagtipan naman ang Celtics sa Golden State Warriors sa Biyernes.

BULLS PLAYERS
LALOS SA COVID
PROTOCOLS

IPINAGPALIBAN ng NBA nitong Lunes (Martes sa Manila) ang susunod na dalawang laro ng Chicago Bulls bunga nang sampung manlalaro nito ang nasa league’s health and safety protocols.

Nakaiskedyul ang laro ng Bulls kontra Detroit Pistons sa Martes (Miyerkoles sa Manila) at Toronto Raptors sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Wala namang inihayag na ‘makeup dates’ para sa ­kinanselang laro. At ang kasunod nito, ­haharapin ni Bulls sa Linggo (Lunes sa Manila) ang Los Angeles Lakers.

Kinumpirma ng Bulls na si backup forward Alize Johnson ay naging 10th player na pumasok sa ­protocols, upang mapabilang kina Zach LaVine at DeMar Derozan. Kasama rin sa listahan sina Troy Brown Jr., Matt Thomas, Coby White, Javonte Green, Derrick Jones Jr., Ayo Dosunmu at Stanley Johnson.

Bunga ng pinakahuling ­dev­elopment, walong manlalaro ang naiwan sa Chicago, league’s minimum para makalaro. Kasama sa walo ang dalawang players na nasa two-way contracts na sina Devon Dotson at Tyler Cook, gayundin ang mga lumagda ng 10-day contract noong nakaraang linggo na sina Alfonzo McKinnie, at rookie Marko Simonovic, na halos buong season ay lumalaro sa G League.

Ang mga manlalarong nasa health and safety protocols ay kinakailangang manatili roon ng at least 10 days o di kaya’y makapagpakita ng dalawang negative COVID-19 test sa loob ng 24-hour period bago muling makapaglaro.

64

Related posts

Leave a Comment