PASKUNG-PASKO ay bumiyahe si Donnie Nietes patungong Macau.
Ang dahilan? Hahamunin niya si Japanese Kazuto Ioka para sa bakanteng korona ng World Boxing Organization super-flyweight title.
Ang 12-round fight nina Nietes at Ioka ay gaganapin sa Disyembre 31 sa Wynn Palace, Cotai Arena.
Umaasa ang 36-anyos na si Nietes na magandang Bagong Taon ang sasalubong sa kanya sa pagbabalik sa Pilipinas bitbit ang korona.
Tatangkain din ni Nietes, kasama sa biyahe ang trainer na si Editor Villamor, na maging four-division world champion.
Para kay Nietes (41-1-5, 23KOs) sapat ang kanyang paghahanda para kay Ioka (21-1, 13 KOs).
Huling sabak ni Nietes noong Setyembre, kung saan nauwi sa tabla (draw) ang laban niya sa kababayang si Aston Palicte sa Los Angeles. Ang WBO 115-pound crown din ang nakataya sa nasabing laban.
Sina Nietes at Ioka ay dating mga kampeon sa minimumweight (105 lbs), light-fly (108) at flyweight (112), bago kapwa umakyat sa 115-pound division.
“Pareho silang (Donnie at Ioka) three-division champions who are aiming for a fourth division title. Magandang laban ito,” lahad ni Villamor. (VTROMANO)
189