WEIGHTLIFTING-INSPIRED, ENGAGEMENT RING NI DIAZ

0

NAALIW ang mga netizen sa weightlifting-inspired engagement ring ni 2020 +1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Nitong Sabado ay inanunsyo ng 30-anyos at tinaguriang ‘Pinay Weightlifting Fairy’ ang engagement sa kanyang personal coach na si Julius Naranjo.

Ibinahagi ng Manila ­Diamond Studio sa kanilang Instagram ang barbell-shape designed ­diamond stone na engagement ring ni Diaz.

“Philippine first Olympic gold medalist, Hidilyn ­Diaz’s engagement ring, was inspired by @hidilyndiaz ‘s love, strength, and passion. In collaboration with coach @imjulius, we brought life to what could be the perfect ring for her. Another gold for our champ!” caption post ng Manila Diamond.

Sa FB account naman ng Zamboangeña weightlifter ay hindi nito itinago ang kanyang kaligayahan sa marriage proposal ng ­fiance. “May birthday raw kaya nasa Vubble Dinner kami dito sa @sheratonmanila kaya triple date kami ni @missizacalzado at @laraquigaman saka may despidida party raw before kami aalis ng Malaysia kaya naman nagvlog pa ko, nagpapicture, at nagpacute pa ko. ‘Yun pala magpropose na!”

Dagdag ni Diaz: “Kudos kay @imjulius ‘di nasabi ­sa’kin at nasekreto niya (‘di kasi magaling magsorpresa) pero gumaling dahil kina @iamnoelferrer @resortsworldmanila @sheratonmanila @maniladiamondstudio @roannebeltran @jhonnymorte.”

Samantala, bumalik sa Malaysia sina Diaz at Naranjo upang makapaghanda sa 2021 ­International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa Disyembre 7-17 sa Tashkent, Uzbekistan. (ANN ENCARNACION)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment