‘WELCOME WIN’ PARA KAY CONE

TINULDUKAN ng Barangay Ginebra ang two-game ­losing streak nang magwagi laban sa NorthPort, 100-93, sa PBA Philippine Cup, Linggo sa Araneta Coliseum.

Sakto ang panalo ng Gin Kings sa pagbabalik ng kanilang coach na si Tim Cone mula sa matagumpay na NBA Summer League stint nito sa Miami Heat.

Bumida sa Ginebra si ­Scottie Thompson na muntikan nang mag-triple double sa kanyang 23 points, 15 rebounds at 8 assists.

Nag-ambag si John Pinto ng 18 markers, 6 rebounds at 3 assists habang si Jeff Chan ay nagdagdag ng 11 points, 2 assists at 2 boards.

Umangat ang Kings sa 7-3 win-loss record at siniguro ang third spot sa quarterfinals.

Dumanas ng back-to-back loses ang Ginebra kontra TNT Tropang Giga (106-92) at Meralco (90-73), bago nakabalikwas laban sa NorthPort.

Bagama’t naging solido ang laro ni Robert Bolick at umiskor ng 29 puntos, hindi ito naging sapat upang sagipin ang Batang Pier.

Bunga nito, dumausdos sa 3-7 ang NorthPort at nanganganib maetsapwera sa playoffs. (ANN ENCARNACION)

40

Related posts

Leave a Comment