West Java Fencing Challenge JULIANA GOMEZ NANGONGOLEKTA NG GINTO

WAGI muli ng gintong medalya si Juliana Gomez, sa pagkakataong ito sa West Java Fencing Challenge sa Bogor, Indonesia.

Sa Instagram ay binati si ­Juliana ng amang actor-politician na si Richard Gomez at maging ng kanyang coach na si Benny Garcia.

“Congratulations @gomezjuliana for winning the Gold in the West Java ­Fencing Challenge 2022…,” post ni ­Garcia.

“You make our country proud! Congratulations to Coach Benny Garcia as well,” pahayag naman ni Gomez, kasalukuyang ­presidente ng Philippine Fencing Association

Ibinahagi naman ng dalaga, last competition of the year niya ang nasabing torneo. “Now it’s time to head back home. Thank you Indonesia.”

Bago ito, nanalo rin ng gold si Juliana sa open fencing ­competition sa Thailand. (ANN ENCARNACION)

44

Related posts

Leave a Comment