MAY season-best 36 points si Andrew Wiggins at tinablahan ang career high eight 3-pointers sa pagtimon sa Golden State Warriors kontra Houston Rockets, 120-101, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa San Francisco.
Hindi nagpahuli sa ikalawang gabi ng back-to-back ng GSW si Stephen Curry, umiskor ng 30 puntos at mayroon din eight 3-point baskets at 10 assists.
Naging starter si Jordan Poole (kahalili ni Klay Thompson) at nagdagdag ng 21 points at five assists, makaraan ang 30-point performance off the bench at season-high seven 3s kamakalawa kontra Chicago Bulls.
Bumato si Wiggins ng magkasunod na 3s sa kalagitnaan ng third quarter at shot 14-of-19 overall tungo sa Warriors’ 10th straight home win.
May 20 points si Kevin Porter Jr. at si Tari Eason, 13 points off the bench para naman sa Houston.
Si Fil-Am Jalen Green nag-ambag ng 13 points, ngunit mintis ang limang attempt sa long range. Ito’y isang gabi matapos kumulekta ang 20-year old guard ng 30 points para sa 16-point comeback sa second half ng Rockets laban sa Phoenix, 122-121.
Ikalawang koponan ang Golden State sa NBA history na nagtala ng 20 3-pointers sa apat na limang laro, ayon sa Elias Sports Bureau. Nagawa ito ng Jazz noong Nobyembre 27-Disyembre 8, 2021.
Nanambak agad ang Warriors, 22-4 mula sa seven shots, habang 2-for-11 ang Houston.
Matapos ang one quarter, 16 puntos na ang kalamangan ng Golden State.
Nasa bench lamang si Thompson sa ikalawang laro ng magkasunod na gabi. Naging standard practice na para sa player ang hindi pagsalang sa magkasunod na laro.
Ito ang ikalimang back-to-back ng Warriors mula sa total 15 games.
KNICKS DAPA
SA MAVS
NAGTALA si Luka Doncic ng game-high 30 points, nag-chip in si Tim Hardaway, Jr., ng 28 points laban sa dating team para ibulsa ng Dallas Mavericks ang 121-100 win kontra Knicks sa New York.
Si Spencer Dinwiddie, nag-ambag ng 17 points sa Dallas, na-outscore ang New York, 69-41 sa second half para sa ikalawang panalo sa seven games.
Si forward Julius Randle naman ang top scorer sa Knicks, 24 points, at si Immanuel Quickly ay may 23 puntos.
Ang leading scorer na si Jalen Brunson ay nagsumite ng 13 points. Unang laro niya kontra Dallas sapul nang pumirma noong July 12 sa Knicks, talo sa nakalipas na walong laro.
Tila nakaresbak naman si Hardaway laban sa dating team, kung saan siya lumaro ng 254 games sa halos four seasons. May 17 puntos siya sa third quarter, kabilang ang limang 3-pointers buhat sa 27-6 run.
Ayon kay Hardaway, naging susi sa maganda niyang laro ang pagiging pamilyar sa New York at sa nakaraang laro ng Dallas sa Detroit, para sa ikatlong sunod niyang 20-plus point game.
HORNETS BIGO SA BUCKS
HINDI sumalang si star forward Giannis Antetokounmpo kaya sinalo ni Bobby Portis ang kanyang trabaho nang umiskor ng 20 points sa 105-96 win ng Milwaukee Bucks kontra Charlotte Hornets sa North Carolina.
Hindi nakalaro si Antetokounmpo, NBA’s two-time MVP, sanhi ng left knee soreness, isang gabi makaraang umiskor ng 40 points sa home loss kontra Los Angeles Lakers (133-129).
Nagdagdag si Jordan Nwora ng 17 points habang sina Brook Lopez at Jevon Carter ay may tig-14 para sa Bucks.
Nanguna naman sa Hornets si Terry Rozier, 16 points. May ambag si Jalen McDaniels ng 21 at 20 mula kay Kelly Oubre, Jr., para sa Charlotte, naputol ang three-game home win streak.
Iniskor ni McDaniels ang first eight points ng team sa second half para dumikit ang Hornets, 56-53.
Lumayo muli ang Milwaukee, 77-66, mula sa basket ni Lopez sa third.
Sa resulta ng iba pang mga laro: Sacramento Kings 123 vs LA Clippers 96; OKC Thunder 135 vs Minnesota Timberwolves 128; Toronto Raptors 121 vs Orlando Magic 108; Portland Trail Blazers 116 vs Utah Jazz 111.
$35K MULTA
KAY JA MORANT
MULTADO si Memphis Grizzlies point guard Ja Morant ng $35,000 bunga ng “confronting and directing inappropriate language toward a game official and failing to leave the court in a timely manner”, makaraang ma-eject siya mula sa 109-101 loss ng Minnesota Timberwolves noong Miyerkoles.
Agad pinatalsik si Morant matapos umanong may sabihin siya sa opisyal, habang si Timberwolves guard Anthony Edwards ay tumango at ngumiti habang naghahanda para sa kanyang free throws.
Matapos nito, patuloy si Morant na nagsasalita sa opisyal at nagpalakad-lakad pa sa court para magpaalam kay Edwards at sa iba pang Memphis players, bago tuluyang lisanin ang court.
Pagkatapos ng laro, iginiit ni Morant na hindi makatarungan ang ginawa sa kanya. At nag-post sa kanyang Instagram story ng: “too much power. You get ejected nowadays for telling a mf the same thing they told you.”
Ilang segundo lang ang nakalipas sa nasabi ring game, ang teammate ni Morant na si Dillon Brooks ay ejected din nang makipagsagutan sa referee kasunod ng pagpito sa kanya laban kay Edwards.
Noong Huwebes ay pinagmulta rin ng NBA si Draymond Green ng $25,000 bunga ng ‘obscene language’ naman sa isang fan, sa laro ng Golden State at Dallas.
Hindi rito natapos ang isyu sa fan na nakilalang si Alykhan Rehmatullah, na nagsabi via Twitter na tatapatan niya ang multa sa pamamagitan ng donasyon na mapupunta alinman sa charity of choice ni Green o ng NBA Cares.
Reaksyon naman ni Green via ESPN: “[It’s] a cool gesture. You don’t see that happen.”
Sinabi rin ng player ang plano niyang makipag-usap kay Rehmatullah. (VT ROMANO)
122