WIN STREAK NG UP, 3 NA

(NI JOSEPH BONIFACIO)

ANTIPOLO – Dumeretso ang UP Fighting Maroons sa ikatlong sunod na panalo matapos magtala ng 62-56 win laban sa UE Red Warriors sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center dito.

Si Bright Akhuetie ang bumuhat sa UP sa kanyang 16 points, five rebounds, three assists at three steals na kontribusyon para iangat sa standings ang koponan, 4-1.

Maging si Kobe Paras ay ipinagpatuloy ang impresibong laro, nang magsumite ng 12 points, 10 rebounds, three blocks at two assists.

Nagawang ibaba sa solitary point ng Red Warriors ang 13-point lead sa third quarter, 57-56, 1:54 sa orasan, nang kumawala ang Fighting Maroons.

Sinimulan ng pasa ni Paras kay Jaydee Tungcab na nagpakawala ng tres, bago inisplit ang charities para sa 61-56 count, 1:09 sa laro.

“We had lots of lapses, but in the end it was Jaydee that saved us with his three-point shot in the corner,” lahad ni coach Bo Perasol, na pinuri ang impak ni Tungcab sa laro, bagamat apat puntos at dalawang rebounds lang ang nasa score sheet nito.

“His game-long brillance of defending Rey Suerte helped us a lot.”

Si Javie Gomez de Liano ay nagrehistro ng 15 points at three boards para sa UP.

Hindi naman sumuko hanggang sa dulo ang UE, na nagtangkang humabol, pero, mintis ang tres nina Rey Suerte, Alex Diakhite at Jed Mendoza sa huling minuto ng laro.

Si Suerte, ang league’s leading scorer bunga ng kanyang 22.8 points kada larong average, ay naposasan ng Fighting Maroons at mayroon lamang nakadidismayang 2-of-15 shooting sa field, kasama ang 0-of-9 sa 3-point arc, para makapagsumite lang ng four points, nine rebounds, at three assists.

Si Senegalese big man Alex Diakhite ang top scorer para sa UE na may 21 points, 17 rebounds, at five assists.

Bigo ang UE na masundan ang upset win laban sa La Salle noong nakaraang linggo at nalaglag sa 1-4 card.

Ang iskor:

UP 62 — Akhuetie 16, Ja. Gomez de Liano 15, Paras 12, Rivero 7, Tungcab 4, Ju. Gomez de Liano 3, Manzo 3, Webb 2, Murrell 0, Prado 0, Spencer 0.

UE 56 — Diakhite 21, Abanto 9, Tolentino 8, Antiporda 6, Pagsanjan 6, Suerte 4, Cruz 2, Manalang 0, Mendoza 0, Natividad 0.

Quarterscores: 23-15, 39-27, 46-42, 62-56.

 

273

Related posts

Leave a Comment