World Athletics Continental Tour BRONZE KAY UBAS

NAKATANSO si Pilipino Janry Ubas sa men’s long jump ng World Athletics Continental Tour sa Niigata, Japan.

Nagtala si Ubas ng 7.76m, kanyang season’s best at sapat para sa pangatlong puwesto sa event na sinalihan ng 17 iba pang atleta.

Nasungkit ang ginto ni 2019 World University at Asian ­champion Yushi Hashioka ng ­Japan (8.05m), habang ang pilak ay ibinulsa ng kababayan niyang si Daikii Oda (7.93m).

Si Ubas ay nakapag-uwi ng silver medal mula sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi noong Mayo. Tatlong beses din siyang naging SEAG bronze medallist sa decathlon.

Ang Continental Tour ay bahagi ng preparasyon ni Ubas para sa 2023 SEA Games sa Cambodia. (ANN ENCARNACION)

9

Related posts

Leave a Comment