World Gymnastics Championship CALOY YULO PALABAN!

Ni ANN ENCARNACION

IPAMAMALAS ni Tokyo ­Olympian Carlos Edriel “Caloy” Yulo ang mga natutunang bagong routines sa pagsabak sa World Artistic Gymnastics Championship sa Liverpool, England.

“Ngayon po ang panahon para subukin namin ang lahat ng mga inensayo at pinagpraktisan namin,” pahayag ni Yulo sa virtual conference.

“Kailangan po namin na mag-try dahil ngayon lamang namin gagawin sa isang aktuwal na kompetisyon ang mga bagong routine,” dagdag niya.

“Medyo challenging po pero gagawin ko po ang lahat dahil gusto ko din pong manalo at ­malabanan ko ang sarili ko,” pagtitiyak ni Yulo, ­pansamantalang namalagi sa INSEP (National Institute of Sport, Expertise and Performance) sa Paris.

Ayon pa sa multi-gold medalist Pinoy gymnast, huling nanalo ng ginto sa vault sa Japan ­tourney, mas mahirap ang bago niyang routines maging sa ­paboritong events na floor exercise at parallel bars.

Inaasahan din niya ang ma­tinding kompetisyon sa Liverpool, kung saan sasali rin ang “best gymnasts” sa buong mundo.

Kumpiyansa naman ang kanyang Japanese coach na si ­Munehiro Kugimiya na ­magagawa ni Yulo malampasan ang kanyang mga karibal sa World Artistic Gymnastics Championship.

24

Related posts

Leave a Comment